AFTER that intense s*x that we made. Hinayaan kong si Lix ang mag-ayos sa akin. Binihisan niya ako at binuhat upang iupo sa rattan sofa bed. Hinang-hina ako. Hindi ko maramdaman ang lakas ko. Gusto kong matulog sa sobrang pagod na naramdaman ko. "Sleep for a while."bulong nito at hinalikan ako sa noo. Inalalayan niya akong humiga sa sofa bed. Wala naman akong ibang ginawa kun' 'di sundin ang gusto niya dahil iyon din ang nais ng katawan ko. Para akong nabugbog. Lupaypay ang buong katawan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang tangayin ng antok. Nagising ako ng may marahang tumapik sa aking pisngi. I slowly open my eyes at bumungad sa paningin ko si Lix. "Still tired?" Aniya. Tumango ako bilang sagot at muling pumikit. Ramdam ko parin ang pagod ng katawan ko. Ilang oras kaya a

