NASA SASAKYAN NA sila at bumibiyahe na pauwi ngunit kibuin dili siya ni Niccolo. Tahimik at kunot na kunot ang noo nito habang nagmamaneho. Hindi naman maiwasan ni Astrid na hindi magtaka, parang kanina okay pa ang binata. Sinundot ni Astrid at tagiliran ni Niccolo. "Hoy masungit na mama, bakit nanaman sambakol ang mukha mo 'dyan?" tanong dito ng dalaga. Inis na tinignan siya nito. "Pwede ba, nagmamaneho ako," Natawa si Astrid. "Asus! Siguro galit ka 'no kasi napaniwala kita sa mga kinukuwento ko sa'yo. Hindi ko naman kasalanang uto uto ka. At siguro galit ka 'no, kasi iniwan kita 'don sa fountain na mukhang tanga," Tinignan siya nito at inirapan. "Tigilan mo nga ako, hindi ako naiinis at mas lalong hindi ako naniwala ni isa man lang sa mg sinabi mo. Wala akong pinaniniwalaan sa'yo,"

