"KUMUSTA ang pinapapagawa ko sa 'yo? Natunton mo na ba silang dalawa?" mariing tanong ko sa kausap sa kabilang linya, isa sa mga tauhan kong inatasan ko na hanapin si Savvanah. "I'M sorry, boss—" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang patayin ko na ang tawag at ibinato ang cellphone sa ibabaw ng kama. Alam ko na ang sasabihin niya kung kaya't pinatay ko na agad ang tawag, sigurado akong ibabalita lamang nito na hindi niya pa rin nahahanap kung saan dinala ni Josiah ang asawa ko. "f**k! ARGH!" Frustrated kong hinilamos ang mga palad sa mukha ko. Damn it! Patapos na ang araw at wala pa rin akong nakukuhang magandang balita tungkol kay Savvanah! Lalo pang nauubos ang pasensya ko sa mga makukupad na tauhan ko! Nagdagdag pa ako ng mga maghahanap sa asawa ko pero kahit isa man lang sa

