Chapter 36: Matteo's POV

1443 Words

ISANG linggo na ang lumipas at ako mismo sa sarili ko ay ramdam ko ang panlalamig ko sa asawa ko. I felt nothing but anger. Ni ang makatabi siya sa kama ay hindi ko kaya kung kaya't pinalipat ko siya sa maids quarter para roon na siya lagi matulog. Alam ko sa sarili kong nagiging malupit ako sa kanya, ngunit paano ko pipigilan ang sarili kung ang makita siyang nasasaktan ay nagbibigay sa akin ng kagalakan? Pakiramdam ko, kapag nakikita kong nahihirapan siya ay nakakaganti na ako sa kasalanang ginawa niya. Ngunit katambal ng galit na 'yon ang awa, oo, may kirot sa dibdib ko kapag nakakakita man lang ako ng isang butil ng luha mula sa mga mata niya pero, mas nangingibabaw ang galit ko kung kaya't nababalewala ang awa na nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong maawa, ayoko 'yong maramdaman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD