Chapter 20

1670 Words

MAAGA akong nagising kinabukasan. Alas sais pa lamang ay bumaba na ako para magluto ng almusal namin ni Josiah. At inumpisahan ko ang araw na 'to nang may ngiti sa aking labi kahit pa hindi pa ako nakaka-move on sa nangyari kagabi, ramdam ko pa rin kasi ang kirot sa puso ko sa hindi pagpansin sa akin ng kaibigan. Hindi nga rin ako nakatulog kagabi dahil mabigat sa dibdib ang may dinadala at iniisip. Hindi ko na nga namalayan kung paano o anong oras na ako nakatulog, siguro ay nakatulog na lamang ako sa sobrang pagod. Gustuhin ko man ding kausapin pa siya kagabi ay mukhang hindi 'yon ang tamang oras para gawin ko 'yon. Hindi ko naman din alam kung galit ba siya sa akin o nagtatampo lamang. Pero kahit ano pa man 'yon, gusto kong kausapin na niya ako. Hindi ako sanay na ganito kami, hinahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD