Chapter 28 "Why?" hindi ko mapigilang mapakagat ng labi sa tanong ni Kuya Chord. Napatingin ako sa loob ng kwarto habang nakaupo ako sa upuan sa balcony, nakita ko si Nicollo na nakaupo sa dining table habang nilalaro si Ichini at nakatingin sa akin at nginitian ako. medyo mataas pa ang araw—probably pass 2PM. "Aattend lang ako ng birthday party tonight, Kuya." I said at napaiwas ng tingin kay Nicolo at ibinaling ko lang ang tingin ko sa mga skyscraper na nagtataasan. "Will you be okay? Do you want me na ihatid kita?" "No—actually I'm here na sa bahay nila. To help prepare things na rin." Narinig ko na natahimik ang kabilang linya at alam ko sa sarili ko na hindi na niniwala si Kuya Chord. Wala naman talagang kasinungalingan sa sinabi ko—hindi ko lang sinabi kung sinong may birthday.

