MULING NAPABUNTONG hininga si Andrea. Nalulungkot pa rin siya hanggang ngayon dahil wala si Reeve at Jedric. Hindi sila makakapagcelebrate na apat. Di bale, tatawagan na lang niya si Charlotte at Tita Concha. Isasama na rin niya ang mga staff sa clinic. "Heather!" malakas na tawag sa kanya ni Rihan. "O, bakit?" Gulat na sagot naman niya. Napakamot ito sa ulo. "Ah... eh... kasi ano," mautal-utal na sambit nito. "Kasi ano?" namewang na siya. "Sagutin mo ako ng maayos, Rihan. Huwag kang mag baby talk at hindi kita maintindihan," "'Yung galing nga pala ako sa Las Vegas, binilhan kita ng damit at sandals," nahihiyang amin nito. Nanlaki ang mga mata niya. Inilabas nito ang isang paper bag. "Hindi ko alam ang bet mo, basta 'yung nakita ko 'yan, nagandahan ako at sabi ko bagay 'yan sayo," N

