NAPALUNOK NG matindi si Andrea habang nilalakasan ang loob na tinitignan ang mga nasa paligid. Hinimas naman ng kaibigang si Charlotte ang braso niya. "Relax... Andrea. Ano? Ready ka na?" mahinang tanong nito. Napatingin siya rito. Ready na nga ba siya? Alam niyang kailangan niya itong gawin. Kung hindi, mahuhuli na ang lahat. Natandaan niya pa ang naging pag-uusap nila ng kaibigan ilang araw na ang nakalilipas... Tense na tense na nakipagkita si Andrea sa kaibigang si Charlotte. Hindi naman siya natiis ng dalaga at nakipagkita sakaniya sa isang coffee shop. Napansin naman nito ang pagiging balisa niya. Pagkatapos nilang umorder ng maiinom, tinanong na agad siya nito. "Is there any problem, Andrea?" Hindi naman nagpaligoy-ligoy ang dalaga at sinagot ito. "I'm having this weird dream

