Chapter 8
Kinabukasan ng magising silang lahat ay agad na nag almusal at dumeretcho na para pumunta naman sa Mayon Volcano sa Albay. Mahaba haba ang byahe kaya ang iba ay halos natutulog pa ulit.
“Humilig ka sa dibdib ko para makatulog ka pa!” Ani ni Kyle
Sumandal nga ako sa dibdib ni Kyle at maya maya pa ay naka idlip din ako agad. 6 na oras ang ginugol namin upang marating ang Mayon Volcano. Isang mahinang tapik ang gumising sa akin.
“Wake up beautiful, andito na tayo!” Sabi pa nito
Nag iinat akong tumingin sa paligid. Namangha ako sa aking nakita! Napakaganda ng Mayon at talagang perpekto ang hugis nito!
“Wow ang ganda nga talaga ng Mayon!”sambit ko pa!
Lumabas na kaming lahat at nag picturan matapos na iparada ni Kuya Roger ang sasakyan. Ang unang picture namin ay kaming lahat then inutusan ni Kyle si Kuya Roger na kuhanan kaming dalawa ng kaming dalawa lamang. Umakbay si Kyle sa akin habang nakangiti kaming dalawa. Makikita mo talagang masayang masaya kami at mababanaag ang pagmamahal doon.
“Mas maganda ka dito sa bulkan na ito at mas perpekto ang bundok mo!” Pagbulong ni Kyle na ikinapula ng mukha ko.
“Puro ka kalukuhan!”sabi ko naman sabay kurot sa tagiliran niya.
Natatawang umiwas si Kyle. Pinasok din namin ang simbahan na nalubog dahil sa pagsabog noon ng Mayon Volcano kaya konting bahagi na lamang ang natira dito.
Pagkatapos namin na maglibot at mamasyal ay pumunta naman kami ng Legaspi City para makabili na din ng mga souvenir pag uwi. Pagkatapos ay kumain na kami ng tanghalian at bumeyahe na pauwi. Nakasandal ulit ako sa dibdib ni Kyle pauwi ng Camarines Sur para daw makatulog kaming pareho. Masayang masaya ang lahat sa buong durasyon ng aming pagkakagala.
Mag aalas 6 na ng dumating kami sa Pamplona kaya ibinaba na namin si Nhesa sa bahay nila dahil gusto na daw nya agad mahiga.
“Salamat Kyle and beshy!” Talagang nag enjoy ako, sa susunod ulit huh!” Sabi pa nito
Napatawa na lamang kami sa sinabi nya. Dumeretcho na din kami sa bahay upang makapahinga na din. Inaya ni nanay sina Kyle na dumaan muna pero tumanggi na sila kase daw gusto na din nila makapahinga. Nagpaalamanan na kaming dalawa at si nanay naman ay pumasok na sa bahay bitbit ang mga gamit namin.
“Marami pa tayong pagsasamahan, magtatagal pa ako dito kaya don’t worry ok?” Ani Kyle
“Sige mag ingat kayo pauwi!” Sabi ko naman.
Kumaway ako ng umalis na sasakyan nila at nang hindi ko na matanaw ay pumasok na ako ng bahay. Naglinis agad ako ng katawan at nahiga na dahil feeling ko ay pagod na pagod ang katawan ko. Nag good night lang ako kay Kyle at nakatulog na agad ako.
Matulin pang lumipas ang mga araw at patuloy din ang panunuyo ni Kyle. Hatid sundo niya ako sa eskwelahan at kapag sabado at linggo naman ay namamasyal kami. Sabado ngayon at huling linggo ng September inaya ako ni Kyle na mag over night swimming daw kami sa Caramoan Island at mag stay kami sa Tugawe Cove Resort. Pinayagan naman kami ni Nanay. Balak ko din siya na sagutin na kaya sobrang excited ako. Alas 2 kami nag check in sa Resort pagkatapos na ibigay sa amin ang complementary na meryenda ay pumasok na kami sa aming room upang magpalit ng damit para makapaligo sa dagat. Sinabi ni Kyle na magpahinga lang daw kami saglit at alas 4 ng hapon pupunta na kami sa dagat para maligo. Hinanda ko ang towel at pagkain namin. Nagbihis na din ako ng simpleng swim suit na binili ni Kyle sa akin at pinatungan ko ng dress. Mag aalas 5 na ng mag aya si Kyle na maligo sa dagat kaya naman ng makarating kami doon ay magtatakip silim na. Binaba agad namin ang aming dalang gamit at nagtanggal na agad ng damit at nagtakbuhan na kami sa dagat. Masaya kaming nag harutan at naghabulan doon saka lumangoy.
“Masayang masaya akong nasolo kita ngayon babe!” Saad ni Kyle
“Ako din sobrang saya ko ngayon!” Sagot ko naman
“Kelan mo ba ako sasagutin mahal ko?” Paglalambing ni Kyle habang magkalapit kami na nakalublob sa dagat.
“Oo na sige na tayo na!” Sabi ko naman sa mahinang boses
“Anong sabi mo babe? Hindi ko narinig?”sabi ni Kyle
“Bahala ka dyan, kung di mo narinig malamang bingi ka!”pagbibiro ko naman sa kanya
“Please mahal ulitin mo!”pagsusumamo ni Kyle
“Ang sabi ko, Oo sinasagot na po kita! Mahal na mahal din po kita!” Sagot ko naman
Sumigaw si Kyle sa tuwa at nagtatalon pa!
“Yessss!!!! Wala ng bawian yan huh! Tayo na! Thank you mahal ko! Promise mamahalin kita ng buong buo, at ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para mapasaya lang kita! I love you so much baby ko!” Madamdaming pahayag ni Kyle
“Ikaw lang din ang mamahalin ko at pangako na ilaw na ang una at huli kong mamahalin. Ingatan mo nawa ang puso ko. Mahal na mahal din kita! Sagot ko naman sa kaya
“So since tayo na dapat ay i sealed natin ng isang kiss!”sabi pa ni Kyle
Pinagkukurot ko siya.
“Ikaw puro kamanyakan ang inaatupag mo!” Pagbibiro ko sa kanya.
Agad naman niya akong kinabig at dahan dahan niya akong hinalikan. Agad ko naman siyang tinugon. Mas lumalim pa ang halikan namin na nagpainit lalo ng aking pakiramdam kaya napa ungol na ako. Nangapos ako ng hininga kaya bumitaw ako kay Kyle.
“I love you!” Saad ni Kyle
“I love you too!” Sagot ko naman.
Inaya na nya ako umahon dahil maghahapunan muna daw kami at sinabihan nya akong wag na daw ako magpalit dahil maliligo pa naman daw kami sa pool. Since kami lang naman dalawa ang bumiyahe papunta dito sa Caramoan Island ay wala kaming iintindihin o aalalahanin pa. Pagkatapos namin kumain ay dumiretcho na kami sa pool sa harap ng nasa room namin. Magkatabi ang room namin kaya malaya namin binuksan ang pintuan at nagdala ng inumin at chips sa may tabi ng pool. Marami kami napagkwentuhan kabilang na doon na pinagkasunduan namin na ang word of endearment namin ay Love.
“Love, gusto ko pagbabalik na ako ng Manila ay dalhin kita sa aming bahay upang ipakilala sa aking mga magulang!” Madamdaming pahayag ni Kyle
“Huh?! Ang aga naman nun? Natatakot ako! Baka hindi ako matanggap ng mga magulang mo?” Nag aalala ko naman sabi
“Wag kang mag alala dahil nandito naman ako, hindi kita pababayaan!” Sagot naman ni Kyle at ginagap ang palad ko.
“Paano kung hindi ako tanggapin ng magulang mo?”tanung ko sa kanya
“Kung hindi ka nila tanggapin ay wag kang mag alala dahil kaya kung mabuhay na wala ang tulong nila dahil kung tutuusin ay hindi nila ako inalagan o pinalaki lahat yun ay si yaya lamang. Wala sila sa mga mahahalagang okasyon ng buhay ko. I don’t even know kung alam ba nila ang paborito kung pagkain!”inis pang sabi ni Kyle
“Pero magulang mo pa din sila Love, kaya me say pa din sila sa buhay mo!” Sabi ko naman
Nalulungkot na napatungo na lamang si Kyle sa sinabi ko. Agad ko naman siyang niyakap.
“Im sorry my love, wag kang mag alala anuman ang sabihin nila sa akin ay tatanggapin ko basta wag lang nila tayong paghihiwalayin!” Sabi ko naman
“Salamat mahal ko!” Mangiyak ngiyak naman niyang pahayag
Pagkatapos namin mag usap ay umahon na kami ng pool at sabay kaming pumasok upang makaligo na at makapagpahinga.