Chapter 2
Matapos nga namin kumain ay pumunta na kami sa kwarto ni Nhesa at ipinakita niya sa akin ang mga pang swim wear na gagamitin ko sa pageant. Magkasing katawan naman kami ni Nhesa mas mataas lamang ako ng ilang pulgada sa kanya.
“Ano ba itong mga pang swim wear mo beshy mukhang pang cabaret naman!” Puna ko dito.
“Hoy beshy yan ang mga pang malakasan ko para maka akit ng papa!”hagikgik pa nito
“Pumili ka na agad dyan para makapunta naman tayo kina bakla!” Ani pa ni Nhesa
Pumili ako ng medyo conservative na style dahil ayoko naman ibuyangyang ang aking katawang lupa sa madla ano.
“Ano ba itong pinili mo beshy panahon pa ata toh ng kopong kopong!” Sabi pa ni Nhesa.
“Mas gusto ko yan at baka hilahin pa ako ni nanay sa entablado kapag nagsuot ako ng kakarampot na mga tela na pinakita mo! Aba eh konting ihip na lang ng hangin nakita na ang kayamanan ko!” Sambit ko pa.
“Ayaw mo nun dami maglalaway sa iyo!” Pang aalaska pa ni Nhesa
“Heh! Tigilan mo nga ako ng pa ganyan mo! Paano kapag madami nga naglaway ma cater ko bang lahat yun?!” Pagbibiro kung sagot
“Oh siya ayos na ako dyan sa pinili mo at maayos naman nga iyan!” Sabi ni Nhesa.
“Tara na kay bakla!” Dagdag pa nito
Ok sige tara na at baka gabihin pa ako ng uwi mapagalitan pa ako ni nanay.
Sumakay na kami sa motor niya papuntang bayan upang makarating sa tindahan ni bakla.
Pagkapasok namin sa boutique ni bakla ay ngiting ngiti ito!
“Ay me nakapasok ding magaganda sa tindahan ko! Suswertehin na naman ako neto!” Sabi pa nito
“Hi bakla!” Bati ni Nhesa sabay beso dito.
“Bigyan mo nga ng pang malakasang outfit itong friend natin na ito dahil isasabak natin siya sa pa pageant ni Gov!” Sabi ni Nhesa
“Aaaayyyiiieee!!!!” Totoo ba?!” Tili ni bakla
“Naku naku halika dito at ibibigay ko sayo ang pang malakasan kung creation para talbog lahat sila!” Sabi ni bakla sa akin.
Napatawa na lamang ako sa tinukan niya at sumunod kami sa isang kwarto na puno ng magagandang damit.
Binigyan niya ako ng tatlong pares na talaga namang lumuwa ang mata ko sa kagandahan ng gown na ipinakita sa akin.
“Omg!! Sambit ko. “Ang gaganda naman nito!”sabi ko pa!
“Oo wala pang nakakakita nyan kase kakatapos ko pa lang gawin! So ikaw ang unang magsusuot niyan!” Sabi pa ni bakla.
Pinasukat sa akin ang tatlong gown at talaga namang namangha ako sapgkat napakaganda ng lapat nito sa aking katawan.
“Omg beshy!!! Tili ni Nhesa apaka ganda mo!”
“Bagay na bagay sa iyo lahat ng gown, kahit alin dyan piliin mo ay lulutang ang ganda mo! Sabi pa nito
Pinili ko ang gown na parang pia wurtzbach ang style. Golden ang kulay nito at talaga namang na emphasize ang korte ng aking katawan.
Tuwang tuwa ang dalawa sa napili ko. Binayaran na ni Nhesa ang renta at nagpaalam na kami kay bakla.
Ibinigay ko na muna kay Nhesa ang gown since siya din naman ang nagbayad at siya din daw ang manager ko. Tumawa na lamang ako sa pakulo niya.
Nagpaalam na kami sa isat isa, alam niya na hindi ko na kailangan ng praktis dahil sanay na ako sa pageant at matalino naman daw ako sa Q and A.
Pagkarating ko ng bahay naabutan ko na naman si nanay na tumitingin sa kanyang old box at malungkot. Bakas sa mukha nya ang sobrang kalungkutan at pagkabalisa. Inisip ko na lamang na naaalala na naman niya si tatay.
“ Nay nandito na po ako!” Sabi ko
Dali dali nyang isinara ang lumang box at pinahid ang luha nya.
“Oh anak kumusta ang lakad nyo?” Tanong ni nanay
“Ayos naman ho inay at kumpleto na ang mga gagamitin ko!”sagot ko naman
“Mabuti naman kung ganun, pasensiya ka na anak kung hindi kita matulungan sa mga kailangan mo.” Malungkot na saad ni nanay
“Nay ayos lang po iyon wag mo na ako alalahanin dahil kayang kaya ko naman ito.” Sagot ko
“Pag nanalo ako nay naku wala ka ng aalalahanin pa sa sunod na pasukan!” Dagdag ko pa
“Ginagawa ko po ito para sa ating dalawa kase ayaw ko na mamoblema ka pa ng husto. Sabi ko pa
“Napakaswerte ko sa iyong bata ka at lumaki kang matapang, mabait at napakamatulungin”.sabi ni nanay
“Idagdag mo naman nay na maganda din ako!” Pagbibiro ko naman.
“Oo anak napakaganda mo at ng kalooban mo, manang mana ka sa… at pinutol na nya ang sasabihin nya pa.
“Kumain ka na ba? Mag aalas syete na, nakaluto na ako pinakbet ang ulam natin ngayon at meron pang tirang daing kaninang umaga.” Sabi ni nanay
“Tara nay kumain na tayo at maaga pa tayong gigising bukas upang mamalengke ng ihahanda natin.”sabi ko naman
Pagkatapos namin na kumain ay naghugas na agad ako ng pinagkainan namin, pagkatapos ay dumiretcho na ako sa aming banyo upang maligo at ng makatulog na ako ng maaga. Nakakapagod din ang aming buong maghapon.
Nagbibihis na ako ng marinig ko na tumunog ang cellphone ko. Tinuyo ko muna ang buhok ko upang makahiga na ako.
Ng tingnan ko ang aking cellphone nakita kong si Nhesa ang nag chat.
Nhesa: beshy galingan mo huh balita ko meron daw si Gov na darating na gwapong lalaki at mayaman. Isa daw yun sa judges.
Me: naku mas intresado ako sa kaperahan hindi ang pag jowa but dont worry gagalingan ko po manager!
Nhesa: good! Sya sleep na para beauty rest ka na! Bye beshy luv u
Me: good night din beshy love you too! Thank you sa lahat huh.
Nag set na ako ng alarm para sa pag alis namin ni nanay mamayang umaga upang mamalengke. Nai ready na naman ni nanay ang listahan at mga sako bag na gagamitin namin bukas kaya wala na akong aalalahanin pa.
Ilang minuto lang nakatulog na ako nagising na lamang ako sa lakas ng tunog ng alarm ko. Nag inat inat lang ako at naghilamos na ako at nag toothbrush.
Naabutan kong umiinom si nanay ng kape paglabas ko ng aking kwarto.
“Good morning po nay!” Bati ko
“Maganda ka pa sa umaga anak!”sagot naman ni nanay
“Yown! Yan ang gusto ko sayo nanay lalo mong pinapaganda ang umaga ko.” Sagot ko naman
“Ready ka na ba? Tanong ni nanay
Alam ni nanay na hindi ako kumakain agad ng almusal ng maaga dahil sinusuka ko lamang ito. 9 or 10 ang almusal ko na naka set sa aking katawan. Ewan ko ba bakit ganito ang aking katawan.
“Opo nay tara na po ng makarami”sagot ko
Sumakay kami ng tricycle papuntang bayan at naglakad naman kami ng kaunti papunta ng public market.
Isa ito sa gusto ko nakakakita ako ng mga fresh na gulay,prutas, karne at mga isda.
Matapos namin mamili ng lahat na kailangan namin ay umuwi na kami at sinimulan na ang pagluluto. Tumulong ako sa pag gagayat ng mga pansahog dahil si nanay ang mas magaling magluto sa amin. Ako naman ang nakatoka sa dessert. Gumawa lamang ako ng gelatin bilang dessert dahil iyon ang mabilis gawin. Simple lamang ang aming handa. Kalderetang baka, bikol express at kanin. Ang dessert ay pineapple gelatin.
Merong mga darating na bisita si nanay na mga katrabaho nya sa bayan kaya nagpaalam na ako na pupunta ako kay Nhesa.