Ang pagdalaw

1305 Words
Chapter 4 Tulala akong lumapit sa aking ina at mga kaibigan. “Oh anong nangyare sa iyo doon?!” Tanung ni nanay “Beshy minolestiya ka ba doon? Wala kaming narinig na sigaw kaya di kami naka rescue!” Sabi pa ng kaibigan ko Napatili ako ng mahina sa kanila sabay taklob ng mukha. “Ahhhh!!!! Nay, beshy kinausap ako ng isang judges doon ang pangalan nya ay kyle gusto daw nya dumalaw sa atin bukas!” Kinikilig kung saad “Beshy ayan ba yung lalaki na sinasabi mong gwapo?” Tanung ni Nhesa Kinikilig na tumango ako “Ay bongga ka dai haba ng hair mo!” Sabi ni bakla “Oh eh ayos lamang iyon na pumunta sa bahay, ibig sabihin eh seryoso iyon sa ito dahil iginagalang ka at pupuntahan ka pa sa bahay natin, matinong lalaki lang gagawa ng ganoon.” Sabat naman ni nanay “Gusto ko ang ganoong lalaki na sa bahay napunta at hindi kung saan saan.” Dagdag pa nito “Ayyiee!!! Kinikilig naman ako sa iyo beshy, balitaan mo ako bukas huh kung ano nangyare. Sige na babush na muna mauna na kami ni bakla.” Sabi ni Nhesa “Salamat beshy sa tulong at sa lahat lahat! Good night at love you!” Sagot ko naman “Sige luv u too, pigilan mo ang masyadong kilig mo halatang halata ka! “ pambubuksa nito Napsimangot na lang ako. “Sobrang halata ba talaga ako nay?” Tanong ko kay nanay “Oo anak kaya medyo bawas bawasan mo, magpaka maria clara ka din.” Dagdag pa nito Ng makarating kami ng bahay ay naglinis agad ako ng katawan at nahiga na agad sa aking kama, maya maya tumunog ang aking cellphone. Unknown number ito kaya napakunot noo ako na binuksan ang text. Kyle: Hi beautiful it’s me kyle save my number so I can call you tomorrow Me: oh hi nakauwi ka na? Kyle: yup thanks sa concern Napatakip ako ng mukha at natampal ko noo ko. Sobrang halata ba ako? Isip isip ko! Kyle: see you tomorrow! Can’t wait to know you more Me: ok then see you tomorrow good night Kyle: good night dream of me Napangiti ako sa sinabi nya. Kahit di nya sabihin naku hindi na maalis sa isip ko ang pagkatao niya Nakatulog akong merong ngiti sa aking labi. Kinabukasan nagising akong magaan ang aking pakiramdam. Nag iinat akong pumasok sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush, ng maalala kung pupunta dito si Kyle mas sumigla ang katawan ko. Lumabas akong nakangiti. “Good morning nay!” Bati ko “Mukhang excited at masaya gising ng dalaga ko ah! Excited na sa manliligaw mo?” Tanong ni nanay “Nay naman aga aga nang aalaska!” Ngiting sagot ko “Ang akin anak hinay hinay lang huh, kilalanin mo munang mabuti bago mo sagutin.” Ayoko na masaktan ka “Opo inay gagawin ko po yun. “ sagot ko naman Bandang alas 9 kakatapos ko lamang mag almusal ng pork and beans at pandesal ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Kyle. Papunta na daw siya. Nagmamadali akong naligo at nagpalit ng maayos na damit at nag toothbrush. Nakatapos na ako ng dumating si Kyle. Nagmamaneho siya ng isang hummer, kaya napatulala na lamang ako sa kanya. “Magandang umaga po, bati ni kyle sa nanay ko na siyang nagbukas ng gate namin para kay kyle Napansin siguro ni nanay na tulala ako. “Magandang umaga naman sa iyo iho”. Sagot ni nanay “Ako po si Kyle Webber” pakilala ni kyle sabay abot ng box of krispy creme na donuts “Naku nag abala ka pa, sagot ni nanay sabay abot sa donut. “Tawagin mo na lang akong nanay Dolor,” sabi naman ni nanay “Siya at maupo ka at kukuha lamang ako ng maiinom mo!” Sabi pa ni nanay “Tatawagin ko na din si Lalaine.” Dagdag pa ni nanay Pagkakuha ni nanay ng juice sa refrigerator ay pinuntahan na niya ako sa kwarto. “Labasin mo na ang bisita mo doon, maghahanda ako ng tanghalian natin. Bigatin pala yang bisita mo kaya dapat espesyal din ipakain natin dyan!” Ani ni nanay “Sige po nay lalabas na ako.” Sagot ko naman Lumabas na ako ng aking silid at nakita ko siyang tumayo at inabot ang bulaklak sa akin. “Magandang umaga sa iyo Lalaine!” Pasensiya ka na kung maaga ako, gusto ko kaseng mas mahaba kwentuhan natin” dagdag pa nito Parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba at kilig sa sinabi niya. “Ayos lang naman!” Pasensya ka na din at simple lamang ang aming pamumuhay!” Sabi ko naman “Naku wag mong isipin yan, natutuwa nga ako kase yung vibes ng bahay nyo ay napaka homey! Sagot nito pero halata kong me lumambong na lungkot sa mata niya Tinitigan ko siya at napagtanto kung talagang napakakisig niya. Ang mata niya na kulay bughaw at ang matangos niyang ilong at ang labi na parang kaysarap halikan! “Pasado na ba ang hitsura ko sa paningin mo?” Tanung ni Kyle na ikinapula ng mukha ko “Napansin ko lang na blue ang kulay ng mga mata mo me lahi ka ba? Tanung ko naman “Oo half British ako kaya ganito kulay ng mata ko.” Sagot niya. Marami kaming napagkwentuhan at napag alaman kung mayaman talaga siya. Napag alaman ko din na yaya nya ang nagpalaki sa kanya dahil laging busy ang mga magulang nito sa negosyo. Naaawa ako sa kanya pero hindi ko na lang pinahalata. Maya maya pa tinawag na kami ni nanay upang managhalian. Pinangat na tulingan, yun tirang bikol express kahapon at tinolang manok. “Hindi ko alam kung ano ang iyong gustong kainin kaya naghanda na lang ako ng tatlong putahe.” Ani ni nanay “Naku wag po kayong mag alala nanay Dolor sanay po akong kumain ng kahit ano, paborito ko po ang maanghang na pagkain.” Sabi pa ni Kyle “Ay tamang tama itong bikol express ang aming specialty ng bikol, ay tingnan ko kung hanggang saan ang anghang tolerance mo!”ani pa ni nanay Nagsimula na kaming kumain at nakita namin na kumain si Kyle ng bikol express at nakita namin na panay inom nya ng tubig. Tawang tawa kami sa kanya kase pawis na pwais siya habang kumakain. “Nanay Dolor extreme po pala ang anghang ng bikol express pero sobrang masarap po siya!” Me bago na akong favorite!” Saad pa ni Kyle Napangiti naman si nanay. “Ano kaya mo pa ba ang anghang?” Tanung ko naman Nag aalala ako kase pulang pula na mukha niya at pawis na pawis. “Oo kaya naman! Sagot naman ni kyle “Marunong ka din bang magluto nito? Tanung pa ni Kyle sabay turo sa bikol express “Oo naman tinuruan naman ako ni nanay!” Saad ko naman. “Pero siyempre wala pa din tatalo sa galing at sarap ng luto ni nanay!” Sabi ko pa “Naku nambola pa ang anak ko!” Sabi naman ni nanay “Totoo naman nay eh ang sarap sarap mong magluto lagi nga ako naparami ng kain, buti na lang at hindi ako tabain!” Sabi ko naman “Nakakatuwa naman po ang closeness ninyong mag ina, nakaka inggit!” Sabi naman ni kyle “Bakit iho wala ka na bang mga magulang?” Tanung ni nanay “Meron naman po kaya lang lagi silang busy sa mga negosyo kaya yaya ko na halos nagpalaki sa akin.” Sabi ni kyle na may lungkot sa mukha “Naku hayaan mo habang nandito ka ako muna ang nanay mo at ipaparamdam namin sa iyo ang pagmamahal ng isang pamilya.” Saad ni nanay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD