ROSABELLA
“Hello, Annabella, bakit napatawag ka?” tanong ko nang tumawag ang kapatid ko.
“Ate, nandito na si Kuya Leonardo sa Pilipinas. Nagpunta sa bahay kanina. Ang kulit nga, eh? Pinipilit niya akong sabihin kung nasaan ka. Halos ipagtabuyan ko na nga dahil sobrang kulit niya! Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa!”
Bakit kailangan niya pang magparamdam? Almost one month na. Wala na siguro sila ng nobya niyang payatot kaya nagpaparamdam na naman itong gago na iyon. Nakakainis!
“Hayaan mo lang siya. Magsasawa rin iyan. Basta, huwag mong sasabihin kung nasaan ako.” Bilin ko sa kapatid ko.
Napakunot ang noo ko nang lumayo ang boses ng kapatid ko at nagsisigaw at pangalan ni Leonardo ang binabanggit.
“Ibigay mo ang cellphone ko! Walanghiya ka! Ano na naman ang ginagawa mo rito?! Tapos nakainom ka pang gago ka!” singhal ng kapatid ko.
Nahihiya na ako sa kapatid ko dahil nadadamay siya sa problema namin ni Leonardo. Gusto kong sabunutan ang lalaking ito dahil palagi na lang nanggugulo sa kapatid ko.
“My Rosa, please come back to me. Umuwi ka na, honey. Please. . .” pagmamakaawa sa akin.
Basag ang boses niya habang nagmamakaawa. Ayokong magpaapekto sa makamandag niyang pagmamakaawa. Nadala na ako sa mga ganoong taktika niya noon. Kailangan kong unahin ang sarili ko bago siya. Tinapos ko ang tawag at saka in-off ang cellphone ko upang hindi na siya makatawag. Tatawag na lang ako kay Annabella mamaya kapag nakauwi na ang lalaking iyon.
Nag-text si Annabella na hindi umuwi si Leonardo. Lasing na lasing at hindi na makagulapay. Kahit inis ang kapatid ko ay pinatulog na niya sa silid ko. Wala naman daw siyang magawa, ayaw naman niyang may mangyaring masama kay Leonardo. May konsensya pa naman daw siya kahit paano. Kahit gusto na niyang ipatapon sa labas ang lalaki.
Nagbuntonghininga ako. Bakit ba niya ginagawa pa ito? Hindi na niya dapat ako hanapin pa. Doon na lamang siya sa nobya niya. Tutal iyon naman ang pinili niya. Magpapakahirap pa siya.
“May problema ba Rosabella?” tanong sa akin ni Ashley.
Kanina pa kasi ako hindi mapakali. Ayaw ko man maramdaman ito subalit hindi ko mapigilan. Nag-aalala ako kay Leonardo. Alam kong pagdating sa problema ay may pagkaestupido si Leonardo. Imbes na resolbahin ang problema ay mas pinipiling magpakalunod sa alak. Ako lang naman ang nagiging sandalan niya kapag down na down sa nobya niyang malnourished. Napaismid ako. Naiinis na naman ako. Ganito yata kapag buntis madaling mainis.
“Ayos lang ako. Tumawag ang kapatid ko. Nagpunta raw doon si Leonardo. Pinipilit niya ang kapatid kong sabihin kung nasaan ako. Lasing na lasing na naman daw.” Nagbuntonghininga ako.
“Ano ang plano mo?” tanong niya. Umupo siya sa tabi ko.
“Sa ngayon ay wala akong plano. Ang iniisip ko ngayon ay ang anak ko. Ayokong ma-stress kay Leonardo. Matanda na siya para hindi maalagaan ang sarili niya. Saka iyon naman ang gusto niya - ang makasama ang nobya niya. Pinapili ko siya kung ako o ang nobya, pero nakakalungkot na ang nobya niya ang pinili kaya mas mabuting lumayo na lang ako upang iwas stress,” madamdamin kong wika.
“Iiwasan mo na lang siya? Paano kung ipahanap ka niya. We all know na kaya niyang gawin iyon.”
Sa sinabing iyon ni Ashley ay napatingin ako sa kanya. May tama siya. Mayaman si Leonardo, kaya niya akong ipahanap kung nasaan man ako.
“Sa ngayon ay hindi ko pa iniisip iyan. Kung ipahanap niya man ako ay bahala siya. Kung mahanap niya ako ay lalayo pa rin ako sa kanya hanggang sa magsawa na siyang hanapin ako.”
Hindi ko mapigilang pangiliran ng luha. Sa tuwing naiisip kong mas pinili ni Leonardo ang malsnourished na iyon ay hindi ko maiwasang masaktan. Bakit ngayon lumayo na ako saka namang binibigyan niya ako ng halaga. Ano pa ang silbi niyon kung nasaktan na ako ng sobra.
“Alam mo napagdaanan ko na iyan. Nagpakatanga ako sa pag-ibig. Kahit alam kong may mahal ng iba si Liam noon ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Alam kong katangahan ang magmahal sa taong hindi ka mahal. Ganoon naman talaga yata kapag nagmamahal nagpapakatanga kahit alam mong masasaktan ka. Lumayo ako noon, pero talagang itinadhana talaga kami ng diyos para sa isa’t isa. Ipinagtagpong muli kami. Hindi ko naman sinasabi na tama ang ginawa mo. Dahil magkaiba naman tayo ng istorya ng pag-ibig. Dahil ikaw ay may nagdudugtong sa inyong dalawa - ang magiging anak niyo. Ginagalang ko ang desisyon mo kung ayaw mo nang magpakita kay Leonardo. Alam kong sobra kang nasaktan kaya ginawa mo iyon. Basta kung may gumugulo sa isipan mo ay nandito lang ako na handang makinig sa mga problema mo. Huwag mong sarilinin iyan at baka makaapekto sa ipinagbubuntis mo,” payo niya.
Napangiti ako dahil napakabait ni Ashley. Hindi man kami magkakilala ng lubos ay hindi siya nangingiming tulungan ako.
“Salamat Ashley sa lahat ng tulong niyo ni Liam at ni Delfin. Tatanawin kong malaking utang na loob ito. Kahit kaibigan niyo pa si Leonardo, pero hindi kayo nagtangkang sabihin sa kanya ang kalagayan ko,” sabi ko.
“Ano ka ba. Sabi ko naman sa iyo iginagalang namin kung ano man ang desisyon mo. Wala na kami sa posisyon upang makialam sa inyo ni Leonardo.”
Makasarili na kung makasarili. Mas mahalagang isipin ko ang mga anak ko kaysa ang pansarili kong kaligayahan. Alam kong tama ang ginawa ko. Ayokong maging option dahil lang sa nabuntis niya ako.
“Tama na nga itong drama. Baka ngumawa ka na naman diyan,” birong sabi ni Ashley. Natawa ako.
Natatawang bumalik sa opisina si Ashley. Ako naman ay naiwan sa counter. Ito ang trabaho ko bilang cashier. Gusto ko sana nagse-serve din ako, pero ayaw ni Ashley. Dito na lang daw ako sa counter para mas magaan ang trabaho upang hindi mahirap sa akin. Habang busy sa pagsusulat ng mga delivery ng mga cakes ay hindi ko napansin ang taong dumating.
“Miss, can you give me your bestselling cake here?”
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang lalaki.
“Rosabella? What are you doing here? I thought you were working abroad?” sunod-sunod na tanong ni kuya Fernan. My
god, bakit sa lahat ng tao siya pa ang magiging customer namin. Ano ang ginagawa niya rito sa Batangas?
Ibuka at isara ko ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayokong sabihin sa kanya ang kalagayan ko. Siguradong malalaman ni ate Isabella na nagdadalang tao ako. Napalunok ako habang kunot noong nakatitig sa akin si kuya Fernan.
“Rosabella, are you hiding something? Tell me hindi ka magsisinungaling sa ate Isabella mo kung wala kang malalim na dahilan,” seryosong sabi niya.
Nagbuntonghininga ako. Wala na sukol na ako. Ano pa ba ang magagawa ko kung hindi sabihin sa kanya ang totoo.
Halos ang kilay ni kuya Fernan ay salubong na salubong habang sinasabi ko sa kanya ang sinapit ko.
“Bakit kailangan mong ilihim ito sa ate Isabella mo? You need her lalo sa sitwasyon mo ngayon. I am sorry sa ginawa ni Leonardo sa iyo. He is stupid for choosing his girlfriend na walang ginawa sa kanya kung hindi manipulahin ang buhay niya,” inis na sabi niya.
Wala naman na akong pakialam sa dalawang iyon. Gusto kong mag-isa, mas tahimik pa ang mundo ko. Kung nasa poder pa ako ni Leonardo ay walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa pambabalewala niya sa akin. He used me para lang sa pansariling kasiyahan. Masasabing estupida ako kasi nagpakatanga ako nang matagal na panahon.
“Promise me kuya Fernan walang makakaalam na nandito ako. Ayokong mag-alala si ate sa akin kaya hindi ko sinabi ang sitwasyon ko. Alam mo namang ayokong nakikitang umiiyak ang ate ko. Tama na iyong dati na nakikita ko siyang naghihirap at umiiyak.”
“Okay wala naman akong karapatang pangunahan ang desisyon mo. Alam mo naman siguro ang ginagawa mo. Sana naman sabihin mo sa ate mo ang situation mo. Kahit na alam nating masasaktan siya sa nangyari sa iyo. She is your family. Huwag mong sarilinin ang pinagdadaanan mo ngayon. Lalo pa, buntis ka,” sabi niya. Hindi ko pa alam kung kailan ko sasabihin kay ate ang sitwasyon ko. Hindi pa ako handa.
“Sasabihin ko naman kay ate Isabella, ngunit hindi pa sa ngayon. Hindi pa ako handa”
“Ano’ng magagawa ko? Kagustuhan mo iyan. Basta kung handa ka ng sabihin kay Isabella ang lahat, tawagan mo lang ako sasamahan kita.”
Napangiti ako sa tinuran ni kuya Fernan. Sa tuwa ko ay niyakap ko siya.
“Salamat kuya Fernan dahil naging mabuti ka sa amin ni ate Isabella. Mapalad ang babaeng iibigin mo.”
He taps my back.
“Para ko na kayong nakakabatang kapatid. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo,” sabi niya.
Masaya ako sa kabila ng hindi magandang pangyayari sa kanila ni ate Isabella ay nanatili pa rin silang magkaibigan. Madalas pa rin siyang dumadalaw sa amin kahit inis si kuya Chris.
Umalis din agad si kuya Fernan nang mabili ang cake. Napadaan lang daw siya rito sa Batangas dahil pinuntahan niya ang site na pinatatayo niyang building para sa expansion ng bagong business. Mayaman na siya, pero nagpapayaman pa. Wala na akong balita about sa buhay pag-big niya mula nang maghiwalay sila ni ate Isabella. Naging busy na siya sa business niya.