EPISODE 16

1731 Words
ROSABELLA Napabalikwas ako ng bangon. Halos habulin ko ang paghinga ko. Napakasama ng panaginip ko. Napahawak ako sa tiyan ko. Diyos ko kahit naman ang sama ng ginawa sa akin ni Leonardo, hindi ko hinangad na may mangyaring masama sa kanya. Bakit ganoon ang panaginip ko parang totoong totoo? Nakita ko sa panaginip ko na nakahandusay si Leonardo at naliligo sa sarili nitong dugo. At tila wala ng buhay. Tumayo ako upang kumuha ng tubig. Para akong hindi uminom ng ilang araw. Nakadalawang baso ako ng tubig. Napaupo ako sa silya. Pinunasan ko ang butil butil sa may noo ko. Sana hindi totoo ang panaginip ko. Nangilid ang luha ko. Napahikbi ako ng tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Napalingon ako ng maulinigan kong may pumasok sa kusina. Nagkagulatan pa kami ni ate Isabella. “Ang aga mo naman yatang nagising, Rosabella. Alas dos palang ng madaling araw,” sabi ni ate Isabella. Tumayo ako at niyakap siya habang umiiyak. Hinaplos niya ang likod. “Anong problema?” Tanong ni ate Isabella. Kumawala ako sa pagkakayakap at pinahid ang luha ko. “Napanaginipan ko si Leonardo. Napakasama ng panaginip ko. Parang totoong-totoo. Nakita kong nakahandusay siya at naliligo sa sariling dugo. Natatakot ako ate na baka may masamang nangyari sa kanya. Hindi ko kayang mawala ng tuluyan si Leonardo ate. Kahit sinaktan niya ako pero hindi ko hinangad na mamatay siya.” Umiiyak na sabi ko. Hinaplos haplos ni ate ang braso ko. “Panaginip lang iyon at hindi totoo. Kaya pumanatag ka. Hindi mangyayari kay Leonardo iyon dahil masamang d**o kaya yun.” Pagbibiro ni ate. Kahit umiiyak natawa ako sa biro niya. “Ate naman seryoso ito at hindi naman biro.” “Hindi naman ako nagbibiro. Masamang d**o, matagal mamatay.” Napatirik ng mata si ate. Naiintindihan ko naman na masama ang loob ni ate kay Leonardo. Hindi ko masisisi ito kung yun ang nararamdaman niya. Inaayos ko ang damit ng kambal nang gulantangin ako sa malakas na tawag ni Annabella nang pumasok ito sa silid ko. “Ate Rosa!” “May problema ba?” Nagtaka ako sa hitsura ni Annabella. Para kasing nakakita ng multo. “Ate Rosa, tingnan mo itong balita.” Tinuro niya ang screen ng cellphone nito at pinakita ang isang artikulo sa social media news. Binasa ko iyon. Nang mabasa ay nanlaki ang mata ko. Hindi totoo yun. Bigla akong tumayo at akmang lalabas nang silid. Pinigilan ako ni Annabella. “Ate Rosa, saan ka pupunta?!” “Kailangan kong puntahan si Leonardo,” sabi ko. “Bakit pupuntahan mo pa?” sabi ng kapatid ko. “Kailangan malaman ko ang kalagayan niya.” Umiling ang kapatid ko. “Hindi ka pupunta roon! Sana pala hindi ko sinabi. Anong silbi ng pagtatago mo tapos magpapakita ka sa lalaking iyon!” “Hindi naman ako magpapakita. Gusto ko lang malaman kung ayos lang siya. Sana naman maintindihan mo ako. Kahit sinaktan niya ako ay siya pa rin ang ama ng kambal ko.” “Ate Rosa, hindi mo na dapat puntahan ang lalaking iyon. Magiging maayos din yun. Remember mayaman iyon.” Hinawakan ni Annabella ang kamay ko. “Kapag nagpunta ka roon magagalit sa iyo si ate Isabella. Isipin mo naman ang magiging damdamin niya. Pinaglaban ka niya sa lalaking iyon. Masasaktan si ate kung pipiliin mo ang lalaking walang ginawa sa iyo kung hindi saktan ang damdamin mo. Sana naman ay hindi laging sarili mo lang ang iniisip mo. Minsan ka ng nagkamali sana naman natuto ka na,” dagdag na sabi ng kapatid ko. Kahit hindi ako pabor sa sinabi ni Annabella. Kung ito naman ang makakabuti sa amin, wala akong magawa kung hindi sundin sila. LEONARDO “Ano’ng pumasok sa isip mo Leonardo at sa gitna ka talaga ng daan tumambay. Buti na lang nakapagpreno yung driver ng sasakyan. Kaya hindi malala yang nangyari sa iyo. Malamang pinaglalamayan ka na ngayon kung nabangga ka.” Sermon sa akin ni Fernan. Kasalanan naman nila iniwan nila ako. Kaya nakaisip akong puntahan si Rosabella. “Pinuntahan ko ang bahay ni Chris. Dahil doon tinatago nila si Rosabella. Pero nang puntahan ko wala na sila. Tinago nila sa akin si Rosabella.” Saan ko na naman siya hahanapin? Alam kong gagawa ng paraan si Chris na hindi ko makita si Rosabella. Pero gagawa din ako ng paraan para mahanap siya. Hindi ako titigil. “Puwede ba Leonardo maghunos dili ka muna. Huwag mong pilitin ang taong ayaw magpakita sa iyo. Mas Lalo lang magtatago iyon kung ipipilit mo ang gusto mo,” sabi naman ni Hanz. “Bakit ba ang dali sa inyo na sabihin iyan? Mahal ko si Rosabella kaya nga gusto ko siyang makita. Gusto kong bumawi sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya, kaya nga gusto kong malaman niya na mahal ko siya.” Napaiyak ako. Hindi ko kakayanin na mawala ng tuluyan si Rosabella. Napakalaki ng pagsisisi at panghihinayang ko. Sana siya ang pinili ko dahil siya naman ang mahal ko. Pero dahil si Chiara ang nauna sa buhay ko kaya akala ko ito ang mahal ko. Puro sana na lamang ako. Dahil wala akong magawa para bumalik muli sa akin si Rosabella. Inakbayan ako ni Delfin. “Tutulong kami para mahanap natin si Rosabella. Pero bro dapat ayusin mo naman ang sarili mo. Hindi matutuwa si Rosabella kung makita ka niyang ganyan. Patunayan mo sa kanyang karapat-dapat ka sa kapatawaran niya,” sabi ni Gavin. Kahit labag sa kalooban kong sundin ang mga payo nila ay gagawin ko para kay Rosabella. May naisip akong paraan para magpakita sa akin si Rosabella. Malalaman ko kung mahalaga ba ako sa kanya. “Ano ang iniisip mo?” Tanong sa akin ni Hanz. “Iniisip ko lang kung malaman ba ni Rosabella na nasa ospital ako at nasa malubhang lagay. Pupuntahan niya kaya ako?” Tinitigan ako ni Hanz. “I don’t know. Maybe try it? Let’s see if Rosabella still care for you or not.” Pagsang-ayon niya sa gusto kong mangyari. “What if she wouldn't showed up here? What would you do? Tatanggapin mo na ba na talagang wala na or ipaglalaban mo pa rin siya?” tanong sa akin ni Delfin. “I don’t know gusto kong umasa na baka mayroon pa siyang natitirang pagmamahal sa akin. Alam kong suntok sa buwan ang gagawin ko. Kung hindi man siya magpapakita sa akin. Siguro nga it’s time for me to give up.” Napailing ang tatlo sa akin. Hindi rin naman ako sigurado sa sinabi ko. Ayokong igive up si Rosabella. She is my life. “Wala naman kaming magagawa it's your decision not us. Remember we always be here for you.” Tinapik ni Gavin ang balikat ko. Nailathala sa TV at pahayagan ang nangyari sa akin, ngunit naghintay ako sa wala. Walang Rosabella ang dumating. Mahigit isang linggo ang lumipas, pero wala pa din. Ngayon na ang labas ko, pero umaasa pa rin akong magpapakita siya ngayon. Pinahid ko ang luha ko sa mata. Masakit na wala ng pagmamahal sa akin si Rosabella. Kasalanan ko naman kaya dapat lang sa akin mangyari ito. Napatingin ako sa bumukas na pinto. Hindi siya ang inaasahan kong taong darating ngayon. “My god, Leonardo! I’m so worried about you. Kung hindi ko pa nakita ang news sa social media. I didn't know you are here in the hospital!” sabi niya. Yumakap siya sa akin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung meron pa ba akong pagmamahal kay Chiara, ngunit wala na akong maramdaman sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak. Nagtatakang tiningnan niya ako. “I’m okay and alive,” sarkastiko kong sabi sa kanya. Umayos ako sa pagkakaupo. Pagtataka ang rumehistro sa mukha niya dahil sa ikinilos ko. “What’s happening to you Leonardo? I message you many times in your email. I even texted you in your number, but you did not reply. You don’t even answer my calls. Is there something wrong amore mio?” she asked me. I fell silent a bit before I speak. “Why are you here? Hindi ka na busy sa lalaki mo? Don’t worry I’m not mad if yu had someone else.” I smirked. Napaawang ang labi niya. Hindi niya inaasahan ang sinabi ko. “What do you mean?” she asked. Hindi mo siya kakikitaan ng guilt sa ginawa niya. Nagpapasalamat ako sa nangyari dahil doon ako natauhan. Hindi ako nagalit sa nakita ko. Mas nagalit ako sa sarili ko ng mawala sa akin si Rosabella. I laughed like a fool. “Don’t deny it Chiara. I saw it with my own eyes how you moan in pleasure while you are enjoying at the top of that man.” I said seriously. “No that’s not true.” She deny it. “I don’t care kung ayaw mong aminin. What I want now let’s end up our relationship. Alam kong may mali ako. I never confronted you when I saw you with other man.” Bigla niya akong niyakap. “The man you saw he is just nothing. Amore mio per favore.” Pakiusap sa lengguwahe niya. Kagaya kanina ay tinulak ko siya. Bigla akong nandiri sa kanya. “Ayoko ng makipaglokohan pa sa iyo Chiara. I admit may kasalanan din ako sa iyo.” Napatitig ako sa kanya. Her forehead crease. “What do you mean?” She asked me. I took a deep breath. “Kagaya mo ay nakagawa rin ako ng mali. I also had a relationship with other woman.” Seryoso kong sabi. “That’s why I didn’t confronted you because I am guilty too.” Pag-amin ko. Mas okay na ito na maging tapat ako para walang sumbatan. “I am sorry. Hindi ko sinadya na mangyari iyon. It just that. . .” Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang gawaran niya ako ng malakas na sampal. Napahawak na lang ako sa pisngi ko. Tinatanggap ko ang ginawa niyang pagsampal sa akin. I deserve this. “I can’t believe it! You have all the guts to accuse me having an affair with someone, but you did it too! Well, we’re even! This what I can say to you. Stupido!” She said, then she stormed out of the room. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ipipilit pa niya ang sarili sa akin. Ang dapat kong gawin ngayon ay hanapin si Rosabella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD