EPISODE 7

1171 Words
ROSABELLA Tumayo ako upang bumili ng pagkain para sa tanghalian ko. Mula kanina ay hindi ko pa nakita si Leonardo na lumabas ng kanyang opisina. Bakit ko ba iniisip kung hindi siya lumabas? Bahala siyang magmukmok doon. Hindi ko siya hinatiran ng kape kanina sa sobrang inis ko sa kanya. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa lamesa. Nagulat na lang ako may biglang naglapag ng paper bag sa table ko. Napatingala ako sa taong nasa harapan ko. Napataas ako ng kilay. “Huwag ka ng bumaba, nagpa-deliver na ako ng pagkain mo,” sabi niya. Mukhang okay na ang mood niya. Siguro ay nagkausap na sila ng nobya niya kaya maganda na ang mood. “I don't like that. Bibili ako ng gusto kong ulam,” seryoso kong sabi. “I bought your favorite food.” Aniya ngunit irap lang sinukli ko sa kanya. “Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Ayoko iyan. Gusto ko ako ang bibili ng kakainin ko. Puwede ba Mr. Romano, tigilan mo na ang pagiging bossy mo sa akin. Oo, ikaw ang boss rito, pero may I remind you lunch time so labas na muna ang pagiging boss mo sa akin.” Pagtataray ko sa kanya. Natawa nang nakakaloko si Leonardo sa sinabi ko. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” Masungit na sagot ko. Napasingi siya. “Nagtataka lang naman ako sa inaasta mo. Paiba-iba ka ng mood. Tapos palagi kang nakasinghal sa akin, pero kapag nasa kama tayo kulang na lang lamunin mo ang labi ko. Napapaungol ka pa nga,” sabi niya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. Naibaling ko sa iba ang tingin ko. “Puwede ba, Mr. Romano, hindi ako nakikipagbiruan,” sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. “I am not kidding too. I’m just telling the truth. Nagtataka lang naman ako sa ikinikilos mo sa akin, weird,” sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na lang ako kumibo at baka kung ano pa ang masabi ko. Iniwanan ko siya. I was about to get into the elevator when he pulled my arm. “Ano ba?!” reklamo ko. “Whether you like it or not kakain ka kasama ako. That’s final!” Hinila niya ako papasok ng opisina niya. Nakakainis ang lalaking ito napaka- dominante. Wala na akong magawa kung hindi sundin na lang ang gusto niya. Nakakapagod nang makipagtalo sa kanya. Ni-lock niya ang pinto. Kapag ganoon hindi ako makakalabas dahil automatic na magla-lock kahit buksan ko dahil kailangang gamitan pa ng susi. Halos mag-apoy ang mata ko sa galit. Naupo ako sa sofa. Tahimik lang akong nakamasid sa lalaking kinaiinisan ko. Siya na ang naghanda sa kakainin namin. Kumakalam na ang tiyan ko. Gutom na ang anak ko. “Here’s your food. Eat!” Utos niya. Kinuha ko ang plato at saka ko siya inirapan. Tahimik akong kumain. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Baka kasi mawalan ako ng ganang kumain. Natapos ang kalbaryo ko na kasama si Leonardo. “Babalik na ako sa table ko,” sabi ko. Tiningnan ko siya. Titig na titig siya sa akin. Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. “Buksan mo ang pinto. Pupunta pa ako ng CR,” utos ko. “You can use my CR here. You don't have to go there. Mahihirapan ka dahil madami ang gumagamit ng CR kapag ganitong oras,” seryosong sabi niya. “Nasa bag ko ang toothbrush at saka ang tissue ko,” sabi ko. “You can use my toothbrush. And I have my tissue here.” Nanlaki ang mata ko. What?! Gagamitin ko ang toothbrush niya? Kahit naman naghalikan na kami at hindi naman siya bad breath, pero hindi naman yata tama na gumamit ng toothbrush ng iba. “Bakit ko naman gagamitin ang toothbrush mo?” sabi ko sa nanlalaking mata. “Bakit hindi? Lagi nga tayong nagpapalitan ng laway kapag naghahalikan tayo. Anong nakadidiri roon?” Napangisi siya. Ang sarap niyang tadyakan sa mukha. Napakabalahura ng bibig niya. Alam ko naman iyon, pero hindi dapat sinasabi ang mga bagay na ganun. Tumayo ako dahil hindi ako mananalo sa lalaking ito. Kahit ayokong gamitin ang toothbrush niya ay ginamit ko na lang. Hinugasan ko ng maigi. Napairap ako sa sobrang inis. Lalabas na sana ako nang pumasok si Leonardo. Kinuha ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. Nakatingin siya sa akin habang nagto-toothbrush. Kinindatan pa niya ako. Inirapan ko siya. Akala naman niya matutuwa ako sa kindat niya. Mabuti na lang naka-open na ang pinto kaya nakalabas ako. Nagpunta ako sa table ko at ginawa ang trabaho ko. Madaming dapat ayusin sa mga schedule ni Leonardo. Lagi kasing nagka-cancel ng meeting kapag nandito ang nobya niya. Naiinis ako sa babaeng iyon. Ano kaya minahal ni Leonardo sa babaeng payat. Napairap ako dahil nai-imagine kong nasa harapan ko siya. Speaking of the devil. Bakit nandito na naman ang babaeng ito? Siguradong magka-cancel na naman si Leonardo ng schedule niya ngayon. Naiinis ako dahil nagugulo ang mga report na ginagawa ko. Sumimangot ako. Dumiretso lang ang babae sa opisina ni Leonardo at nilagpasan ako. Marahas akong nagbuntonghininga. Kinuha ko ang biskwit ko sa bag dahil nagutom ako sa inis sa dalawang iyon. Ilang sandali pa ay dumating ang katrabaho ko na nasa finance department. “Rosa, pakibigay kay Sir Leonardo itong report sa finance. Kailangan daw ni Sir,” sabi niya at nilapag sa ibabaw ng table ko ang folder. Napangiwi ako kasi ayokong pumasok doon. “Ikaw na lang magbigay,” sabi ko at humaba ang nguso ko. Ako pa talaga ang uutusan. Pwede naman siya na lang ang magbigay. Ako talaga? “Ikaw na lang tutal sekretarya ka naman ni Sir Leonardo. Inutusan lang akong ibigay ito sa iyo,” sabi niya. Napairap ako. Tinalikuran na niya ako. Walanghiyang iyon. Wala akong nagawa kung hindi ibigay ang report. Kainis! Ngumunguya pa akong pumasok sa loob. Hindi na ako nag-abalang kumatok. Bahala na kung may makita akong karumaldumal sa loob. “Sir Romano, ito po ang report na hinihingi niyo sa finance department,” sabi ko. Nakakandong sa kandungan ang nobya niyang payat. Ano kayang makukuha niya roon? Malamang puro buto. Baka kapag may aso rito habulin pa siya. “Put it on my table,” utos niya sa akin. Binaba ko ang folder. Napasulyap ako sa dalawang nagtititigan. “Wala na po ba kayong iuutos?” tanong ko para hindi na ako maabala sa trabaho ko. Mamaya niyang may iuutos na naman siya at babalik na naman ako rito at makikita ko na naman ang pagmumukha nila! “Wala na akong iuutos. You can go back to your work,” aniya at binalik ang tingin sa nobya niyang malnourished. “Okay!” sagot ko. Tumalikod na ako, pero bago ako makalabas sa pintuan ay narinig ko ang sinabi ni Leonardo. “Promise, babe, I’m coming with you to Italy.” Ito na ang pagkakataong hinihintay ko. Aalis na ako sa buhay mo Leonardo. Hindi mo na kami makikita ng anak mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD