LEONARDO
“My Rosa,” sambit ko sa pangalan niya. Hindi ko mahindian ang init na nararamdaman ko sa tuwing katabi ko siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam kong mali dahil mayroon akong nobya, ngunit sadyang mas malakas ang init na nararamdaman ng katawan ko.
I kissed her soft and delicious lips. Hindi ako magsasawang hagkan ang labi niyang nakakaanyayang hagkan.
“You’re so beautiful, my Rosa,” sabi ko habang gumagalaw sa ibabaw niya.
I love looking at her parted lips while her eyes was closed.
Narating namin dalawa ang rurok ng aming pagniniig. Halos pagpawisan kaming dalawa. Napayakap sa akin si Rosabella. Pinaunan ko siya sa dibdib ko. Hinagkan ko ang kanyang noo. Dahil sa matinding pagod ay ginupo ako ng antok.
Nagising akong wala na sa tabi ko si Rosabella. Inaasahan ko na iyon. Bumangon ako upang maligo.
I look at the clock beside my side table. It’s already 6:30 AM. I need to prefer to go to work. Pagkalabas ng silid ko ay napansin kong malinis ang condo ko. Siguro ay naglinis si Rosa. Napangiti ako nang maalala ang nangyari sa amin kagabi. May almusal na ako. Hindi niya talaga nakalilimutan ipagluto ako ng almusal. Umupo ako upang simulan ang pagkain.
Maaga akong pumasok upang hindi ma-traffic sa daan. Madami akong tatapusing trabaho na naiwan ko kahapon. Pagkapasok ng opisina ko ay nakita ko si Rosa na inaayos ang mga papeles na nasa ibabaw ng table ko.
“Good morning, Rosa,” bati ko sa kanya. Hahalikan ko sana siya sa labi nang umiwas si Rosa. Napakunot noo ako.
“Magpapaalam sana ako mag-undertime,” sabi niya.
“Bakit? Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Nag-file kasi ako ng loan sa SSS,” sagot niya sa tanong ko. Umupo ako sa swivel chair habang kunot noong nakatingin sa kanya. Saan niya gagamitin ang pera na ilo-loan niya?
“Hindi mo na kailangan pa mag-file ng loan sa SSS. Bibigyan na lang kita ng pera,” final na sabi ko.
Bakit kailangan niya pa ng ganoon? Ano naman ang pinaglalaanan niya? Wala naman na siyang pinag-aaral? Dahil kagaya niya nagtatrabaho na rin si Annabella.
“Magpapalit din ako ng ID ko. Luma na kasi iyon,” pagrarason niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Uutusan ko na lang yung messenger natin na siya ang mag-asikaso ng pagpapalit mo ng ID. Magbigay ka na lang ng bagong picture mo puwede naman iyon," sabi ko.
“Hindi puwede iyon. Kailangan nandoon ako para kuhanan ako ng picture.” Inirapan niya ako.
“Okay, pero sandali ka lang, bumalik ka rin dito. I need you here. Madami akong naiwang trabaho kahapon,” sabi ko.
In-open ko ang laptop para tingnan ang mga email na dumating galing sa client.
“Kasalanan mo naman kung bakit kasi iniwan mo ang trabaho mo kahapon,” masungit na sabi niya.
“My girlfriend is much more important than my other work na puwede ko naman gawin later,” sabi ko.
“Importante rin itong pupuntahan ko. Bahala kang gawin mag-isa iyan!” padabog niyang binitiwan ang folder na hawak nito at saka lumabas ng opisina ko. Tumayo ako para sundan siya.
“Rosa, ano bang problema mo? Hindi ba sinabi ko namang mag-uutos na lang ako? Mas okay nga iyon hindi ka na mapapagod.” Tiningnan niya ako nang hindi makapaniwala.
“Kaya kong talikuran ang trabaho ko ngayon kasi mas importante ang lakad ko ngayon. At hindi mo ako mapipigilan kung aalis ako!” masungit na sabi niya. Hinablot niya ang bag na nasa ibabaw ng table at iniwan ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko para tawagan ang security.
“This Leonardo Romano. Huwag niyong palalabasin si Ms. Rosabella Barcellano. Hangga't wala ako riyan,” sabi ko sa security guard sa ibaba ng lobby ng building.
“Yes, Sir,” sagot niya at in-endcall ang tawag. Bakit ba ang init ng ulo ni Rosa umagang-umaga?
Pagkalabas ko ng elevator naririnig ko na ang boses ni Rosa na nakikipagtalo sa Security Guard.
“You can leave us,” utos ko sa Security. Tumango siya.
“Ano ba ito, Leo? Importante nga itong pupuntahan ko! Palabasin mo ako rito!” singhal niya sa akin. Marahas akong napabuntonghininga.
“I told you puwede naman ipagawa na lang ang SSS ID mo. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. May tao na ngang mag-aasikaso ayaw mo pa!”
Nainis na ako. Hindi ko masakyan ang ugali niya. Minsan hindi ko na siya maintindihan.
“Hindi ba sinabi kong ayoko nga! Hindi ka ba makaintindi? Nagpaalam naman na ako. Pumayag ka na, di ba? O bakit ngayon ayaw mo na akong payagan?” Pumameywang ako at napasuklay sa buhok ko.
“Okay, fine!” pagsukong sabi ko.
“You can leave now!” dugtong ko pa at pagkasabi niyon ay tinalikuran ko na siya. Nawalan na ako ng pasensya sa kanya. She’s unbelievable.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Na-realized kong mali ang inasta ko kanina. Ano naman kasi ang problema ko at bakit ayaw ko siyang payagang mag-under time? Napahilamos ako sa mukha ko. Nahihirapan kasi ako kapag hindi ko nakikita si Rosa. I want her to be here all the time.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya. Nagtagis ang bagang ko nang unattended ang number ni Rosa. I’m sure she’s really mad at me. It’s all my fault. Tinawagan ko ang pinakamalapit na SSS office na puwedeng puntahan ni Rosabella. Napakunot ang noo ko nang i-confirm ng staff ng SSS na wala naman nagngangalang Rosabella Barcellano ang nag-request ng new ID.
Saan siya nagpunta?
ROSABELLA
Ang sama ng loob ko sa ginawa ni Leonardo sa akin. Alam kong mas importante ang nobya niya. Parang sampal sa akin ang sinabi niya kanina. Mas importante ang girlfriend niya kaysa sa trabaho. Kahit anong gawin ng nobya niya ay hindi niya kayang magalit, pero sa akin tinataasan niya ako ng boses.
Naluha ako dahil sobrang nasaktan ako. Pinahid ko ang mga luha ko nang dumating ang OB Gyne. Pumasok na ako sa clinic.
“Kailangan mong alagaan ang sarili mo Ms. Barcellano. Mahina ang heartbeat ng baby mo. Twelve weeks na itong pinagbubuntis mo kaya nasa tri mester na. It's means this stage need caution. Specially if you are working o na-stress sa trabaho mo. It's not good for your baby dahil sa stage na ito rito palang nagsisimulang ma-develop ang baby.” Napatango ako sa bilin ng doktora.
“I’ll give you vitamins and milk para sa pampakapit,” sabi ng Doktor.
“Opo, Doktora. Susundin ko ang lahat ng dapat kong gawin para sa baby ko.”
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko naman kasi maiwasang mag-stress sa lalaking iyon. Hangga’t nakikita ko siya ay hindi talaga ako magiging mabuti. Kailangan ko na sigurong umalis sa trabaho. Magpapakalayo-layo ako. Bahala na kung ano’ng kahihitnan ng lahat. Ayokong isakripisyo ang buhay ng anak ko nang dahil sa lalaking hindi naman ako pinahahalagahan.
In-open ko ang cellphone ko para tawagan si Annabella. Madaming messages na dumating, galing lahat kay Leonardo. Napatirik ako ng mata.
Kalma lang Rosabella. Tandaan mo ang sinabi ng doktor. Huwag mai-stress.
Nagpasya akong bumalik sa opisina para tapusin ang trabaho ko. Mabuti maaga akong natapos sa OB Gyne ko.
Napahinto ako sa paglalakad papasok ng building, nakita ko si Leonardo. Nakaupo siya. Base sa mukha niya ay inip na inip ang hitsura niya. Kunwari ay hindi ko siya napanasin. Nilagpasan ko siya.
“Rosa!”
Dumagundong ang boses niya. Napalingon lahat ng mga empleyado sa loob ng building. Napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako. Halos mag-apoy ang tingin niya sa akin. Sinalubong ko ang nagbabagang tingin niya. Bakit naman siya magagalit sa akin?
“Saan ka nagpunta?” seryosong tanong niya.
“Hindi ba sinabi ko sa iyo sa SSS,” walang gana kong sabi.
“Tinawagan ko ang pinakamalapit na branch dito pero wala ka roon at walang Rosabella ang nag-file para sa pagkuha ng new ID. Tell me where have you been?”
Kailangan kong lusutan ito.
“Alam kong gagawin mo iyan. Nagpunta ako sa ibang branch. Bakit ba napaka-big deal sa iyo kung mag-undertime ako ngayon? Hindi naman siguro kawalan kung hindi ako magtrabaho ng kalahating araw. Eh, ikaw nga kahit isang araw nakakaya mong iwanan ang mga importanteng dapat gawin. Dahil ano? Sa girlfriend mo?”
Kahit nangako na ako sa sarili kong magiging kalmado ako, pero hindi ko magawa. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Ang sarap niyang sampalin. Napakuyom ako ng kamao.
“Of course she is my girlfriend kaya mas importante siya. Huwag mong ibahin ang usapan. Madami tayong trabaho na dapat nating gawin ngayon. I told you may gagawa naman para asikasuhin ang. . .” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang talikuran ko siya. Ayokong makipagtalo sa kanya dahil paulit-ulit na lang kami. Nandito na nga ako para ituloy ang trabaho ko, nagagalit pa siya.
Naramdaman ko ang presensya ni Leonardo sa likuran ko. Hindi ako kumibo kahit napapasulyap sa akin. Pagkalabas ng elevator dumiretso agad ako sa table ko. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. I can’t believe it! Siya pa ang may ganang magalit na dapat ako iyon. Dahil ako ang agrabyado dito, hindi naman siya. Bumuga ako ng hangin para kalmahin ang sarili ko.