Chapter 12

2051 Words
-Carmela- Natapos na din sa wakas ang klase. It's too exhausting and I'm glad its over. Naglalakad ako ngayon sa Enchantrisque, ang dorms ng mga witch at warlock. Pupuntahan ko lang si Charles. I just need to see him. Hindi pa man ako nakakarating sa room ni Charles ay nasalubong ko agad siya at mukhang may pupuntahan pa yata. Saan na naman siya pupunta eh araw na? "Charles!" He hugged me and kissed my cheeks. "Saan ka pupunta?" tanong niya "Pupuntahan sana kita." sabi ko Habang hawak niya ang kamay ko, sabay kaming naglakad. I don't really know where we are heading. "I have to tell you something." panimula niya. "What is it?" tanong ko "Hindi ako pumasok kanina sa class ko maliban sa general classes. Pumunta ako sa Luminisce Terrain. And I found out something about the disremembering spell." "Alam mo na kung sino ang nagcast ng spell kay May?" "No. Pero sa nalaman ko, mukhang mapapadali ang paghahanap natin. Sabi ni Mom, dalawang pamilya lang daw ang makakagawa ng spell. Kaming mga Lockheart at mga Charmcaster." "So, sino ang posibleng gumawa nito?" "Definitely not the Lockheart dahil kilala namin ni Mom lahat ng kaanak namin at iilan lang yun. My prime suspect is one of the Charmcasters." paliwanag niya "Okay. Sinong Charmcaster?" "Katulad naming mga Lockheart, kokonti na lang din ang mga Charmcaster and there is one Charmcaster in this school." "Talaga? Sino?" "Sephira Charmcaster." sagot niya "I never heard her name but we need to keep an eye on her." My brother suffered too much. Kailangan na naming mahanap kung sino talaga ang nagcast ng spell na yun para maging maayos na ang lahat. Ayoko na kasing makita na ganoon ang kapatid ko. "Yes. We need to keep an eye on her, she might know something. Pero kung siya nga, kailangan nating gawin ang lahat para bawiin na niya ang spell kay May." "We need to do this. Kuya Stephen deserves to be happy." Naglakad pa kami pero napatigil kami nang mamataan namin ang isang babaeng may salamin at may dalang mabibigat na libro. "That's Sephira." Tiningnan ko ulit yung babae na ngayon ay palayo na. Siya ba talaga ang nagcast ng spell? Wala sa itsura niya na gagawa siya ng masama. But I shouldn't be fooled. Looks can be deceiving sometimes. "Tara, ihatid na kita sa dorm mo. You need to rest." Inihatid ako ni Charles pabalik sa Havensblood. He kissed my forhead goodbye and he head off to his dorm. Hindi maalis sa isip ko si Sephira Charmcaster. There's something about her. **** -May- Tumakbo ako paalis. Alam kong hindi niya na ako hinabol dahil hindi ko na narinig ang mga yapak niya. My vision started to blur because of the tears in my eyes. I can't believe this is happening. Iniimagine ko lang ba lahat ng nakita kong yun? Ala-ala ko yun. Alam ko sa puso ko na totoo yun. Stephen is part of my life. He is my better half. Hindi ko alam kung ang dapat kong maramdaman sa oras na to. Bumagsak ang lahat ng libro na hawak ni Sephira dahil nabangga ko siya. Hindi ko agad siya nakita kanina dahil sa kakaiyak ko. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga libro niya. "Sorry, Seph." paumanhin ko "Okay lang. Teka, umiyak ka ba?" tanong niya. Mukhang napansin niya yata ang mugto kong mata. "Uhm." Nahihiya akong aminin sa kanya na umiyak ako. But what's the use? Halatang hala naman na umiyak ako. "Okay ka lang ba?" bakas ang pag-aalala sa boses niya. She looks genuinely concerned. "Yes. I'm fine. Saan ka pala pupunta? Babalik ka na sa dorm niyo?" tanong ko "Oo. Kukunin ko lang ang ibang gamit ko dun tapos uuwi na ako." sagot niya "Uuwi? Hindi ka ba magstastay dito?" "Gusto ko kasing umuuwi-uwi ako. Besides, mag-isa lang kasi si Mama sa bahay." Tumango tango lang ako. "Sephira, pwede ba akong sumama sayo?" Ngumiti lang siya sa akin at tumango. Gusto ko lang kasing umalis dito. Kailangan kong mag-isip. Masyado akong nawindang sa lahat ng nalaman ko. "Oo naman. Siguradong matutuwa si Mama. Kinukulit niya kasi ako lagi na magdala naman ako ng kaibigan sa bahay. Ang problema, wala naman akong madala kasi wala akong kaibigan." Nagpaalam si Sephira sa akin na may kukunin lang daw siya sa dorm nila at babalik rin agad siya. Magkita na lang daw kami sa may library. Napagdesisyunan ko ring bumalik muna sa dorm namin. Mag-aayos lang ako ng konti at magbibihis na rin. Suot ko pa rin kasi ang uniform ko, nakakahiya namang humarap sa Mama ni Sephira kung hindi manlang ako nakapag ayos. Umaga na rin naman at wala na talagang gumagala sa Academy siguro nagpapahinga na yung iba. May klase na naman kasi kami mamayang gabi. I picked up my pace and went straight to my room. Nagbihis ako at lumabas din agad. Ayoko naman paghinatayin si Sephira. Ako na nga tong sasama tapos paghihintayin ko pa siya. Ang pangit naman yata nun. Mas binilisan ko pa ang kilos ko at nakarating naman agad ako library. Nauna nga akong dumating pero maya maya ay dumating na rin si Sephira. "Tara." yaya niya Sumunod ako sa kanya. Tumigil kami sa harap ng isang malaking puno sa gilid ng building ng Arch. May inusal siya at bigla na lang nagliwang ang puno at mula doon nagkaroon ng pintuan. Namangha naman ako sa nakita ko kaya hindi ako nakapagsalita agad. "Pasok na, May. Sa likod ng pintuang yan ang bahay namin." Hindi pa rin ako nakapagsalita pero hinawakan ko na ang pintuan na lumabas sa puno. Pumasok kami ni Sephira doon at sa isang iglap, wala na kami sa Academy. Nasa loob na kami ng isang bahay. Simple lang naman ang loob nito pero mapapansin agad na halos puti ang lahat ng gamit dito at may ilang accent ng green dahil na rin sa mga halaman. Sumunod ako kay Sephira. Pinaupo niya muna ako sa couch nila at dumiretso siya sa isa pang silid. Habang tinatawag ni Sephira ang nanay niya, napatingin naman ako sa labas. Ang ganda. Nasa tabing dagat pala ang bahay ni Sephira kaya natatanaw ko ang asul na dagat. Pero agad rin akong bumalik sa kinauupuan ko kanina dahil alam kong sasakit ang mata ko sa araw. Thankfully, the sun is not in its peak yet. Maya maya ay bumalik na rin si Sephira pero may kasama na siyang babae. Maganda siya. Medyo mature ang itsura pero maganda pa rin. I assume that's Sephira's mom. They have similirities in their facial features. "Ma, siya nga pala si May, kaibigan ko. At May, siya ang Mama ko." Tumayo naman ako at nakipagkamay sa mama ni Sephira at doon ko napansin na parang tinitigan niya ako ng maigi habang hawak pa rin ang kamay ko. "Nice to meet you po." sabi ko Binitiwan niya na rin sa wakas ang kamay ko at ngumiti. Pero hindi niya pa rin inaalis ang titig niya sa mukha ko. "Ako nga pala si Lucinda Charmcaster. Please just call me Auntie Lucy." **** Pagkatapos ng pagpapakilala, pumunta kami sa likod ng bahay nila kung saan naroon ang mga pananim nila. Ang ganda ng mga pananim nila. Hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa iba kasi ngayon lang ako nakakita ng ganun. Sabi nila na hindi ko na rin daw dapat alalahanin ang araw dahil may spell ang buong paligid kaya walang magiging epekto ang araw sa akin. Nagsimula si Auntie Lucy na magpaliwanag kung ano ang nagagawa ng pananim niya. "Ginagamit ko ang mga pananim ko sa pagtimpla ng mga potion. Herbs are the most important proponent in mixing a potion. Kaya ingat na ingat ako sa mga pananim ko." sabi ni Auntie "My mother is actually the best in potion making." wika naman ni Sephira habang may ngiti sa kanyang mga labi. "Ikaw talaga anak. Wag mo namang iflatter masyado ang mama mo." natatawang sabi ni Auntie Lucy. "Sus. Pahumble si Mama o." Tumawa na lang din ako. Ang kulit pala ng mag-inang to. Nagkwentuhan pa kami ng matagal. Buti na lang pala at sumama ako kay Sephira. Pansamantalang nawala ang problema ko. **** "Ma, aalis na kami. May klase na kami." paalam ni Sephira "Sige. Mag-ingat kayo." Niyakap ni Sephira ang mama niya. Pagkatapos nun ay bumaling rin sa akin si Auntie Lucy. Niyakap niya rin ako. "May, wag kang mag-aalala. Don't ever give up because I know for sure that you will be happy someday." Wala na akong masabing iba kaya nagpasalamat na lang ako at nagpaalam na kami. Dumaan naman kami ngayon sa pinto sa attic at sa isang iglap ay nakarating agad kami sa Academy. Ngayon, haharapin ko na ang hari. *** Bumalik ako sa dorm at nagbihis ng uniform. Kinakabahan ako sa pagpasok ko dahil alam kong makikita ko ang hari. Hindi naman pwedeng ibalewala ko na lang ang naalala ko. Pero hindi ko maiwasang masaktan. Una, niloko ako ni Dad at ni Raven. Pangalawa, wala manlang nagsabi sa akin ng totoo. At higit sa lahat, kung ako nga ang asawa ni Stephen, bakit parang wala siya ginagawa para kunin ako? O baka wala naman talaga siyang pake sa akin? Mahirap naman kasing magpakasiguro dahil katiting lang ang naalala ko. Paano kung mali lahat ng iniisip ko? Mabagal ang lakad ko papuntang Arch para sa klase ko. Kinakabahan pa rin ako. Nakita ko sa di kalayuan na pupunta na rin si Stephen at ang mga kaibigan niya sa class. Hindi ako lumingon sa kanila kahit pa tinawag ako ni Joannie. Mas mainam na umiwas muna ako. **** Pumasok na ako sa classroom at umupo doon sa pinakasulok. Saktong dumating sila Stephen at ang mga kaibigan niya pero kagaya ng kanina, hindi ko pa rin sila pinansin at nagpangalumbaba na lang ako. Nagitla na lang ako nang may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko at bumalik na naman ang kaba ko. Hawak ni Stephen ang braso ko. Wala manlang siyang reaksiyon at tumititig lang talaga siya sa akin. I yanked my arm away from him but he refused to let me go. I also stared at him. Nakakinis siya. Ano ba ang kailangan niya? "What do you need, your highness?" I said bluntly "Come with me." Hinala niya ako patayo. "Wait may klase na tayo." Hindi pa rin siya nakinig at patuloy lang sa paghigit sa akin kung saan. Mukhang wala naman siya pakielam sa klase. Sa bagay, siya nga naman ang hari. Wala namang saysay kung magpupumiglas ako kaya hinayaan ko na lang siyang hilahin ako. Nakarating kami ulit sa likod ng Havensblood. Dito rin yung lugar kung saan may naalala ako kasama siya kanina. "What's wrong with you?" tanong niya. Kalmado lang siya pero nakikita ko ang frustration sa mga mata niya. "Wala." sagot ko Nakita kong nainis siya sa sinabi ko at tumaas na ang boses niya. "Wag mo akong lokohin. Alam kong may mali sayo. Now, tell what the hell is wrong with you?!" Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko. Nakita ko rin ang pagkataranta niya at niyakap niya na lang ako habang iyak pa rin ako ng iyak. "I didn't mean to shout. Sh*t. I'm so sorry, please don't cry." hinaplos niya ang likod ko habang yakap pa rin ako. Pinapatahan niya ako. When I stopped crying, we sat. Umupo kami sa lilim nung puno. "Wala naman sigurong silbi kung itatago ko pa sayo." panimula ko Napatingin sa akin si Stephen at mukhang iniisip niya kung ano ba talaga ang sinasabi ko. "M--may naalala ako." I looked at his reaction and I can tell that he is shocked. "Kanina, nung sinabi mo yung tungkol sa sunrise at asawa mo, bigla ko na lang naalala ang.." "Ang ano?" "Ang kasal natin." Napayuko na lang ako sa sinabi kong yun. "Hindi ko alam kung nag iilusyon lang ako pero malinaw ang nakita ko. Ewan. Naguguluhan ako. Baka nga nag-aasume lang ako na ako ang asawa mo. Pero sabi ni Ms. Tania malaki daw ang posibilidad na....." "You are my wife." Napatingin ako sa kanya at tumulo na naman ang luha ko. Nakikita ko na sobrang saya niya. Nakangiti siya at alam ko na ako ang dahilan nun. He pulled me into a hug. Niyakap ko rin siya pabalik. "You are my queen." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD