-May- (Multimedia: Stephen and May Grayson, portrayed by Kim Jong In and Bae Suzy) Lumabas ns ako sa silid at nagpaalam na sa Count. Hindi rin naman ako mapakali doon sa sinabi niya. Alam ko namang seryoso siya doon. Alangan namang mag-joke pa siya tungkol sa bagay na 'yun. Napahipo tuloy ako sa tiyan ko. Hindi ko akalaing may namumuo ng buhay sa sinapupunan ko--ang magiging anak namin ni Stephen. Magkakaanak na ba talaga kami? Lalaki ba o babae? Kambal? I just smiled. I can imagine myself tending to our child. Nandoon din siyempre si Stephen. Tatawagin kaming Daddy at Mommy ng anak namin habang inaalagaan namin siya. We will be a happy family. Hindi ko pa nasasabi kay Stephen ang tungkol sa sinabi ni Dracula. I wanted to surprise him. I'm sure he would be happy. After all, mabibigy

