Chapter 5

1559 Words
Remus POV "MANANG Rosita." Tawag ko sa mayordoma pagpasok ko sa kitchen area. Naging listo naman ang kilos ng mga kasambahay pagkarinig sa boses ko. "Ser, bakit po?" Lumapit sa akin si Manang Rosita na dalawang dekada nang naninilbihan dito sa mansion. Naabutan pa nyang buhay noon ang mga magulang ko. "Dinalhan nyo na ba ng pagkain si Stacey sa kanyang kwarto?" "Opo ser, pero kaunti lang po ang kinain nya." Marahas akong bumuntong hininga. Ilang araw nang nagmumukmok ang pamangkin ko na yun. Walang ganang kumain at kibuin dili ako. Nagtatampo sya dahil hindi ko binigay ang gusto nya. Hindi ko maaatim na patirahin dito ang batang anak ng mga rebelde na syang dumukot sa kanya noong paslit pa sya at pumatay sa kapatid at hipag ko. Baka kung ano pa ang magawa ko sa bata sa galit na nararamdaman ko. Tumalikod na ako at lumabas na ng kitchen area. Tinunton ko ang kwarto ng pamangkin sa ikalawang palapag ng mansion. Naabutan ko sya sa kwarto nya na nakadapa at may sinusulat sa kwaderno. "Stacey sweetie." Malambing na tawag ko sa pamangkin pero hindi nya ako nilingon. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. "Stacey, I'm talking to you." Pero hindi pa rin sya kumikibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa. Nagle-lettering sya. Pangalan nya at ng batang si Floreza ang nile-lettering nya. Talagang sobrang attached na sya sa batang yun na tinuturing na nyang kapatid. Normal lang na ma-attached sya dahil lumaki sya at nagkaisip na kasama ito at kinilalang kapatid. Kaya lalo akong nagagalit sa mga rebeldeng nagpalaki sa kanya. Tapos gusto pa nyang kupkopin ko ang batang yun. "Binalita sa akin ng teacher mo na hindi ka raw nag pa-participate sa klase nyo. Hindi ka raw gumagawa ng assignment." Tumigil sa paggalaw ang kamay nya. "Ayoko na pong mag aral." "What?" "Ang sabi ko po ayoko nang mag aral." Tumiim bagang ako. Umiiral na naman ang katigasan ng ulo nya. Nakuha nya ang ugaling pagrerebelde sa mga taong nakagisnan nya. Maiksi ang pasensya ko at mabilis mag init ang ulo ko. Kung hindi ko lang sya pamangkin at kadugo ay kanina ko pa sya binulyawan. Nangako ako kay Kuya Ramil na aalagaan sya. Ako ang tatayong magulang nya. "Tumitigas na ang ulo mo Stacey. Gusto mo bang magalit na ako sayo." Mariing sabi ko sa mahinahong boses. Pinipigilan kong pagtaasan sya ng boses. Bumangon sya at humarap sa akin. Namumula ang kanyang mga mata na paiyak na. "Uncle Remus, please po.. Kunin na natin si Floreza. Miss na miss ko na po sya.." Aniya at tuluyan nang umiyak. Lumapit pa sya sa akin at humawak sa kamay ko. "Please po uncle.. kunin na natin si Floreza. Promise po gagalingan ko na sa school at hindi na po ako tatakas sa mansion. Kunin na po natin sya.." Umigting ang panga ko at nag iwas ng tingin sa pamangkin. Tatlong beses na syang naglayas para bumalik sa orphanage at makita ang batang yun. Kaya naman pinahigpitan ko sa mga tauhan ang pagbabantay sa kanya. Malalim akong bumuntong hininga at kinuyom ang kamao. "Please uncle.." "Stacey!" Lumuhod sya habang hawak ang kamay ko at umiiyak. "P-Parang awa nyo na po uncle.. kunin na po natin si Floreza. Susundin ko po ang lahat ng gusto nyo. Mag aaral po akong mabuti." Pumikit ako ng mariin at hinimas ang bridge ng ilong. Desperada na talaga sya na kunin namin ang batang yun. "Fine, kukunin na natin sya." Tumigil sya sa pag iyak pero nakatingin pa rin sa akin. Tinging nagdududa. "Nagsasabi ako ng totoo kaya tumayo ka na dyan." Tumayo naman sya at pinahid ang luha sa pisngi. "Totoo po, uncle?" Tumango ako. "Yes, kukunin natin sya." Hinaplos ko ang kanyang buhok. Ngumiti na sya at yumakap sa aking bewang. "Thank you po, uncle." Bumuntong hininga ako. Mabigat para sa akin ang hinihingi ng pamangkin. Pero para sa ikasisiya nya, ibibigay ko. . . Floreza POV "FLOREZA! Floreza!" Nilingon ko si Buknoy. Tumatakbo sya palapit sa akin habang malawak ang ngiti sa labi. Galing sya sa opisina ni Mother Superior Esmeralda. Siguro may ginawa syang kasalanan. "Bakit Buknoy? Pinagalitan ka ni mother superior, no?" Nakangising pang aasar ko sa kanya. "Hindi no. Pinatawag ako dahil may mag aampon na sa akin." Natigilan ako sa sinabi nya. "Talaga, may mag aampon na sayo?" "Oo, yung mag asawang bisita noong nakaraang araw. Yung kumausap sayo. Sila ang mag aampon sa akin. Mukha naman silang mayaman dahil may kotse sila eh, at mababait pa sila. Kukunin na nila ako." "Eh di wow!" Nakasimangot na sabi ko. Feeling naman nya maiinggit ako. Pero nalulungkot ako na aalis na rin sya dito. "Kaya walang gustong umampon sayo dahil salbahe ka eh." "Ayokong may umampon sa akin dahil hinihintay ko si Ate Stacey. Babalikan pa nya ako." "Umaasa ka pa talaga. Eh paano ba yan, may aampon na sa akin. Iiwanan na kita." "Pakialam ko." Nakangusong sabi ko pero naiiyak na ako. "Kelan ba ang alis mo? Ngayon na ba?" "Hindi. Bukas pa nila ako kukunin. Mamimiss kita Florezang taba." Sumibi din ako. "Mamimiss din kita Buknoy payatot." Pinahid ko ng kamay ang mata. "Magpapakabait ka na lang dito para hindi ka laging napapagalitan ni Sister Cynthia. Sana bumalik na ang Ate Stacey mo para kunin ka." Nagyakapan kami ni Buknoy at tuluyan na akong naiyak sa lungkot. Iniwan na ako ni Ate Stacey tapos ngayon sya naman.. Kumukuyakoy ako sa duyang bakal dito sa garden. Kanina pa ako tinatawag ng ibang mga bata para maglaro pero tinatamad akong maglaro ngayon. Sobrang lungkot ko dahil umalis na si Buknoy. Kinuha na sya kahapon ng mag asawang nag ampon sa kanya. Wala na akong best friend. Kahit lagi kaming nag aaway sya pa rin ang best friend ko. Sobra ko syang mamimiss gaya ni Ate Stacey. Pinahid ko ng kwelyo ng damit ang luhang pumatak sa aking pisngi. Tumingin ako sa langit at piping nagdasal. 'Sana po Lord, bumalik na si Ate Stacey. Miss na miss ko na po sya.' Muli kong pinahid ang luha gamit naman ang braso. "Floreza, nandito ka lang palang bata ka. Kanina pa kita hinahanap." Lumingon ako ng marinig ang boses ni Sister Cynthia. Papalapit sya sa akin. Bumaba ako sa duyang bakal. "Bakit po sister?" "Halika na, iligpit na natin ang mga gamit mo." Kumunot ang noo ko. "Bakit po?" Ngumiti si Sister Cynthia. "Pinasusundo ka na ng Ate Stacey mo." Namilog ang mata ko. "Si Ate Stacey po, nandyan?" Sobrang saya ko nang banggitin ni Sister Cynthia ang pangalan ni Ate Stacey. "Wala ang Ate Stacey mo. Pero pinasusundo ka nya. Nandyan ang attorney nila para sunduin ka. Magkakasama na kayo ng ate mo kaya halika na, iligpit na natin ang mga damit mo." "Sige po sige po!" Tuwang tuwang sabi ko at nauna nang tumakbo papunta sa kwarto. "Floreza, hintayin mo ako." Tawag sa akin ni Sister Cynthia. Huminto naman ako sa pagtakbo at binalikan si Sister Cynthia. "Sorry po sister." "Kuh, masyado kang excited." "Excited na po akong makita si Ate Stacey eh." Ngiting ngiti na sabi ko. "Magkikita na kayo." Hinawakan ni Sister Cynthia ang kamay ko at sabay na kaming pumunta sa kwarto. Niliguan ako ni Sister Cynthia at hinilod ang aking katawan. Sinabon nya ang katawan ko ng mabuti at shinampoo para mabango ako. Pagkatapos ay binihisan nya ako ng maayos na damit.. "Magpapakabait ka Floreza. Bawas bawasan na ang pagiging makulit." Bilin sa akin ni Mother Superior Esmeralda. "Opo mother superior. Magpapakabait po ako." Sabi ko at nagmano sa kanya. "Kaawan ka ng Diyos, anak." Bumaling naman ako kay Sister Cynthia. Ngumiti sya sa akin. Kahit masungit sya ay mabait naman sya. "Mamimiss ko po kayo Sister Cynthia." Sambit ko at yumakap sa kanya. Hinaplos naman nya ang aking buhok. "Mamimiss din kita Floreza. Sundin mo ang bilin ni mother superior. Lagi kang magpapakabait. Ikamusta mo na lang kami kay Stacey." "Opo sister." Kumalas na ako sa yakap kay Sister Cynthia at humarap na sa may edad na lalaki na syang maghahatid sa akin kay Ate Stacey. Kasama din sya noon ng uncle ni Ate Stacey. "Handa ka na bang umalis?" Tanong ng may edad na lalaki na mukha namang mabait. Ngumiti ako at tumango. "Opo manong." Tumawa ang lalaki. "Atty. Castro, Floreza. Tawagin mo akong Attorney Castro." "Opo Attorney Castro." Ulit ko. Hinarap na ni Attorney Castro si Mother Superior Esmeralda at Sister Cynthia. "Mauuna na ho kami. Salamat ho." "Mag iingat ho kayo sa byahe." Binigay ni Sister Cynthia ang bag ko sa isang lalaki na kasama ni Atty. Castro. "Halika na Floreza, naghihintay na ang Ate Stacey mo sa mansion." "Opo." Lumingon ako kay Mother Superior Esmeralda at Sister Cynthia. Kumaway ako sa kanila. Ngumiti naman sila at tumango sa akin. Niyakag ako ni Atty. Castro sa bukas na sasakyan. Agad naman akong sumampa papasok. Excited na akong makita si Ate Stacey. Sa wakas magkakasama na kami. Tumupad sya sa pangako nya. Sumakay na rin si Atty. Castro at umupo sa tabi ko. Palinga linga naman ako sa loob ng sasakyan. Ito ang unang beses na makasakay ako sa magarang sasakyan. Ang bango bango at ang lamig lamig pa. "Huwag ka nang malikot Floreza. Aandar na ang sasakyan." Saway sa akin ni Atty. Castro. Umayos naman ako ng upo at kinabit ni Atty. Castro sa katawan ko ang malapad na tali. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD