***FLOREZA POV*** "PAPITO heto na po ang tsaa nyo." Nakangiting nilapag ko ang tea cup sa coffee table sa harap ni papito. "Salamat, iha. Kuh, ikaw pa ang nag abalang mag timpla ng tsaa ko." Dinampot na nya ang cup at hinigop ang tsaa nya. "Ayos lang po, papito. Wala si Ate Stacey na taga timpla nyo, kaya habang wala pa sya ay ako muna." Mahin syang tumawa. "Speaking of your Ate Stacey, kamusta na kaya sya sa Italy. Naku, pihadong nag aaway na naman sila ni Bryce." Tumawa ako. "Ganun na nga po, papito. Ka-video call ko po kanina si ate at nagkwento sya ng mga inis nya kay Kuya Byrce." "Sabi na, eh. Di ako nagkamali." Tumingin sa akin si papito at tinuro ang upuang kaharap nya. "Maupo ka nga muna iha at tayo'y magkwentuhan. Wala ka namang ibang gagawin di ba?" "Wala po, papito.

