***Floreza POV*** "FLOREZA, ang galing mo kanina. Nasupalpal mo si Juliana at yung dalawang alipores nya na feeling magaganda." Ani Denice pagkaupo ko sa upuan. Katabi ko sya. Nginisihan ko lang ang kaibigan at inayos ang bag. "Kung ano ano kasing kabulastugan ang ginagawa mo kaya napag iinitan ka dito sa school." Salubong ang kilay na nilingon ko si Katya na nasa likuran namin. Pati mga kaklase namin ay nakatingin na sa amin. "Anong kabulastugan ang pinagsasabi mo Katya?" Ngumisi silang tatlo ni Judie at Angelina. "Painosente ka pa. Alam mo bang trending ka dito sa school dahil hinahatid ka ng magandang sasakyan na sakay ang mayamang lalaki? Gosh! May sugar daddy ka pala." Patuyang sambit nya. Nagbulungan na ang mga kaklase ko sa sinabi ni Katya. Umawang naman ang labi ko. U

