***Floreza POV*** NATIGILAN ako sa pagbubutones ng blouse ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Namilog ang mata ko at nag init ang mukha ko nang makita si Sir Remus. Hinapit ko ang blusang bukas pa dahil nakatuon doon ang tingin nya. Malakas na malakas din ang kabog ng dibdib ko. "Oh I'm sorry.." Aniya pero hindi naman nag abalang lumabas. Kaya ako na lang ang tumalikod at dinampot ang tuwalya at tinakip sa aking dibdib. Mabuti na lang at tapos na akong mag suot ng palda. Kung bakit naman kasi nakalimutan kong maglock ng pinto. Humarap ako kay Sir Remus. "S-Sir, bakit po?" Tumikhim sya. "I just wanna ask kung anong oras ka papasok?" "Ah, p-pagkabihis ko po papasok na ako. Ten po ang unang klase ko eh." "Oh okay. Sa akin ka na sumabay." Nakangiting sambit nya na titig n

