Chapter 3

960 Words
Third POV "NO. Hindi natin isasama ang batang sinasabi mong kapatid mo. Ikaw lang ang sasama sa akin." Nakaramdam ng pagtutol si Stacey sa sinabi ng kanyang uncle. "Pero uncle, kapatid ko po sya. Nangako po ako kay nanay at tatay na hindi ko sya iiwan." Umiskwat si Uncle Remus sa kanyang harapan at matiim syang tiningnan sa mata. "Listen to me very well, Stacey. Hindi mo kapatid ang batang yun. Hindi mo sya kaano ano lalong hindi mo sya kadugo. Kung sino man yang tinatawag mong nanay at tatay ay hindi mo sila magulang. Sila ang may kasalanan kung bakit namatay ang tunay mong mga magulang, ang daddy at mommy mo. Sila at ang mga kasamahan nilang rebelde ang dumukot sayo at pumatay sa daddy at mommy mo." Sa batang isip at puso ni Stacey ay hindi pa nya masyadong naiintindihan ang sinasabi ng kanyang Uncle Remus. Nalulungkot sya sa sinasabi nitong pinatay ng mga rebelde ang kanyang tunay na magulang. Pero mas nasasaktan sya sa sinasabi nitong ang kanyang Nanay Digna at Tatay Celso ang pumatay sa tunay nyang magulang. Nalulungkot din sya na hindi pala nya tunay na kapatid si Floreza. "Pero para po sa akin, kapatid ko pa rin po si Floreza, uncle. Hindi po ako sasama sa inyo kapag hindi po sya kasama." Mariing naglapat ang labi ni Uncle Remus. " Huwag nang matigas ang ulo mo Stacey. Hindi natin sya pwedeng isama." "Pero kawawa naman po sya kapag naiwan dito. Iiyak po sya kapag hindi ko sya sinama." Bumuntong hininga si Uncle Remus at naging matigas ang bukas ng mukha. "Wala na tayong pakialam don, Stacey. Dapat nga nagagalit ka sa kanya dahil anak sya ng mga rebeldeng pumatay sa daddy at mommy mo." Kumagat labi si Stacey. Nakaramdam sya ng takot sa hitsura ng kanyang uncle na parang galit na. "Wala naman po syang kasalanan." "Still, hindi pa rin natin sya isasama." "Kung hindi po sya kasama uncle, hindi rin po ako sasama sa inyo." Pumikit ng mariin si Uncle Remus at gumalaw ang panga nito. "Manang mana ka kay kuya, parehong matigas ang ulo nyo at malambot ang puso nyo. Kaya kayo napapahamak." Tumayo si Uncle Remus at sinuksok ang dalawang kamay sa suot na trouser. "Fine, isasama na natin sya." Namilog ang mata ni Stacey. "Talaga po, uncle?" Ngumiti si Uncle Remus. "Oo, pero hindi muna natin sya agad isasama. Ikaw muna ang isasama ko. Susunod na lang sya. Okay na ba yun?" "Hindi ba pwedeng sabay na lang po kami?" "Nope. Hindi natin sya pwedeng isama agad. Dahil aasikasuhin pa ang mga papers nya." "Eh di hihintayin ko na lang pong maging okay ang papers nya. Para sabay na po kaming sasama sa inyo." "Stacey." Mariing sambit ni Uncel Remus sa pangalan nya. "Huwag nang matigas ang ulo. Kapag nagpumilit ka pa, hindi mo na talaga sya makakasama." Yumuko si Stacey. "Opo." Hinarap na ni Uncle Remus si Mother Superior Esmeralda at Sister Cynthia. "Isasama ko na si Stacey sa pag alis ko. Maraming salamat sa inyo. Asahan nyo ang malaking donasyon na ibibigay ko sa orphanage nyo bilang pasasalamat sa pag aaruga nyo sa aking pamangkin." "Maraming salamat po Mister Gallardo." Ani Mother Superior Esmeralda. "Ngayon na po tayo aalis, uncle?" Tanong ni Stacey. "Yes." "Kukunin ko po muna ang mga gamit ko at magpapaalam po ako kay Floreza." "Hindi mo na kailangan dalhin ang mga gamit mo. Ibibili na lang kita ng mga bago." "Kung ganun po magpapaalam na lang po ako kay Floreza." Patakbong nilapitan ni Stacey ang pinto ng opisina ng superyora at lumabas. Narinig pa nya na tinatawag sya ng kanyang uncle pero hindi nya ito pinansin. . . Floreza POV "SABI mo di mo ko iiwan. Nangako ka eh." Sumisibing sabi ni Floreza. "Hindi naman talaga kita iiwan. Mauuna lang akong isama ni Uncle Remus. Pero susunod ka din." "Ayoko ate, gusto ko sabay tayo. Sama mo na ako." "Isasama naman talaga kita. Pero mauuna muna ako dahil aasikasuhin pa ang mga papel mo ni Uncle Remus." "Kelan ako susunod sayo?" "Kapag naayos na ang mga papel mo. Kaya huwag ka nang umiyak. Magsasama pa rin naman tayo eh. Babalikan kita. Mauuna lang ako." Pinahid ni Ate Stacey ang luha ko sa pisngi. Tumahan naman ako at tumango. "Basta, babalikan mo ko, ha. Mag promise ka." "Promise." Nagyakapan kami ng mahigpit ni Ate Stacey.. Nakahawak ako ng mahigpit sa bakal na bakod habang nakatingin kay Ate Stacey na kasama ang lalaking matangkad na si Uncle Remus. Kausap nila si Mother Superior Esmeralda. Tumingin sa akin si Ate Stacey at kumaway. Kumaway din ako sa kanya. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. "Buti pa si Ate Stacey, inampon na ng mayaman." Wika ni Buknoy at tumingin sya sa akin. "Kawawa ka naman iniwan ka na ng ate mo." "Babalikan nya ako." "Hindi ka na babalikan nyan." "Babalikan nya ako. Inaayos lang yung papel ko. Kapag naayos na, sasama na rin ako sa kanya." Sikmat ko kay Buknoy sabay kusot sa mata. "Aalis na sila." Sumakay na sa sasakyan si Ate Stacey kasama si Uncle Remus. Sumilip pa si Ate Stacey at kumaway sa akin. Kumaway din ako sa kanyam "Ate, babalikan mo ko ha!" Sigaw ko kay Ate Stacey. "Oo, babalikan kita Floreza! Pangako yan!" Sinarado na ng isang lalaki ang pinto ng sasakyan. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang habang pinapanood ang sasakyan na papalayo. Pero nangako naman si Ate Stacey na babalikan nya ako at alam kong tutuparin nya yun. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. Nangako din ako kay Ate Stacey na hindi ako iiyak at hihintayin ko ang pagbabalik nya.. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay hindi pa rin bumabalik si Ate Stacey.. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD