***Stacey POV*** "AWW.. super cute talaga ni Baby Rom. Nakakagigil ang cheeks! Ang sarap sarap pisilin. Ang arte arte lang kasi ni uncle eh. Ayaw papisil ng pisngi. Kala mo naman sya ang nag anak." Himutok ko habang tinititigan isa isa ang mga pictures ni Baby Romano na sabrang cu-cute naman talaga. Two months old na sya at lalong lumabas ang kakyutan. Yun lang, nagiging kamukha ni uncle. Tumawa si Bryce na nasa driver seat at nagmamaneho. "Nag iingat lang ang uncle mo. Baka kasi malamog mo ang anak nya. Grabe ka pa namang manggigil. Ang sakit mo pang mangurot." Ngumuso ako at nilingon si Bryce. "Talaga, masakit akong mangurot?" Sabay kurot ko ng pino sa tagiliran nya na kanyang ikinaigtad. "Stop it, Stacey! I'm driving." Natatawang protesta nya. Humagikgik naman ako at yumakap s

