***Floreza POV*** "HAPPY birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!" Sabay sabay na kanta ng mga batang bisita ni Baby Romano sabay palakpak. Tuwang tuwa naman si Baby Rom na karga ng ama nya. Pumapalakpak din sya at tumitili pa. Tuwang tuwa sya dahil maraming bisitang mga bata. Mga batang galing sa orphanage. Inimbitahan namin sila ni Remus pati na ang mga madre. Si Remus na ang sumagot ng limang bus na sumundo sa kanila. Gusto ko kasi maging parte sila ng 1st birthday ni Baby Rom dahil malaki ang ambag ng orphanage sa buhay ko lalo na ang mga madre. Lumapit kami ni Remus sa five layer na cake na may design na cartoon character. Titig na titig si Baby Rom doon. Kami na ni Remus ang umihip sa kandila. Pero di namin inaasahan ang sumu

