***Stacey POV*** MATAMLAY na matamlay ako habang humihigop ng mainit na sabaw. Nanghihina pa ako at bahagya pang nanginginig ang katawan ko. Nagising akong mabigat ang pakiramdam at nahihilo. Sumuka din ako ng sumuka at halos bumaliktad na ang sikmura ko kakasuka pero wala namang lumalabas at puro laway lang. Pero pagkatapos ko namang sumuka ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko pero nanghihina pa rin ako. Kaya naman, hindi ako makakapasok ngayong araw sa opisina. "Ma'am Stacey, ayos na po ba ang pakiramdam nyo?" Nag aalalang tanong ni Ate Vida. "Medyo nanghihina pa ako, ate.." Sabi ko sa bahaw na boses at muling humigop ng mainit na sabaw. Gumiginhawa ang sikmura ko sa mainit na sabaw. "Sigurado ba kayo ma'am, ayaw nyo magpadala sa hospital? Baka kung ano na yang nararamdaman nyo.

