Chapter 1

1389 Words
Floreza POV "BUTI ka pa may aampon na sayo. Sana ako rin may umampon ding mayaman." "Malay mo, magustuhan ka ng mga bisitang naghahanap ng aampunin. Kaya dapat lagi kang malinis sa katawan. Huwag kang gagaya kay Floreza na laging madungis kaya laging napapagalitan ni Sister Cynthia." Ani Pamela at tumingin sa akin sabay tawa nilang lahat. Ngumuso naman ako. "Ako na naman ang nakita nyo." Inirapan ko sila. "Eh kasi, ikaw ang pinaka madungis sa atin. Ang hilig mo kasing magkalkal ng lupa. Manok ka ba?" Nang aasar pang sabi ni Pamela at muli na naman silang nagtatawanan. "Nagkakalkal ako ng lupa dahil nagtatanim ako. Di kasi kayo marunong magtanim eh." Humarap sa akin si Pamela at humulukipkip. Maganda sya sa suot nyang bagong bestida at head band na bigay sa kanya ng mag aampon sa kanyang mag asawa. "Alam mo Floreza, gayahin mo ako para may mag ampon na rin sayo. Maging malinis ka lagi at maging maganda gaya ko." Ngumuso ako at tiningnan si Pamela mula ulo hanggang paa. Damit lang nya at headband ang maganda, hindi sya. "Hindi ka naman maganda, eh. Parang tinapakan kaya ng kalabaw ang ilong mo." "Anong sabi mo? Maganda ako no!" Angil ni Pamela sabay tulak sa akin. Napaupo naman ako sa lupa. Nagtawanan naman ang mga kalaro ni Pamela. "Hoy! Anong ginagawa nyo sa kapatid ko ha?" Lumapit sa akin si Ate Stacey at inalalayan akong tumayo. "Tinulak ako ni Pamela, ate." Sumbong ko kay Ate Stacey. "Bakit mo tinulak ang kapatid ko? Ang tanda tanda mo na pumapatol ka pa sa mas bata sayo." Sita ni Ate Stacey kay Pamela. "Kasalanan ng kapatid mo dahil sinabihan nya akong panget." "Wala naman akong sinabing panget ka. Ang sabi ko lang hindi ka maganda." Katwiran ko pa. Pinandilatan ako ng mata ni Pamela. "Maganda ako. Kaya nga may aampon na sa akin dahil maganda ako. Hindi kagaya nyong magkapatid na parehas panget." "Maganda ang Stacey ko no. Sya kaya ang pinakamaganda dito sa Angel's Haven. Marami ngang gustong umampon sa kanya. Yung aampon sayo dapat sya ang aampunin. Pero hindi sya pumayag dahil maiiwan ako dito. Ikaw na lang ang inampon nila dahil bida bida ka." Akmang susugurin ako ni Pamela pero agad na humarang si Ate Stacey at pinakita ang nakakuyom na kamao. "Sige, subukan mong saktan ang kapatid ko. Makakatikim ka sa akin ng sapak. Lagi mo na lang pinagtitripan ang kapatid ko." Natigilan naman si Pamela na halatang natakot sa Stacey ko. Kaya umatras sya at inirapan kami ni Ate Stacey. "Hmp! Tayo na nga. Huwag na nga nating pansinin ang mga panget na yan." Tumalikod na si Pamela at naglakad na. Sumunod naman sa kanya ang mga kalaro nya. "Ikaw naman kasi. Bakit kasi nakikipaglaro ka pa sa kanila, eh lagi ka na ngang inaaway ni Pamela." Sermon sa akin ni Ate Stacey. Ngumuso ako. "Akala ko kasi di nila ako aawayin ngayon eh." "Pero inaway ka pa rin nila. Lalo na si Pamela. Kaya huwag ka nang sasama sa kanila, ha." Tumango ako na lang ako. "Ang dumi dumi mo na naman. Mapapagalitan ka na naman ni Sister Cynthia nyan eh." "Tinanim ko yung naputol na sanga ng halaman ate. Sayang yun, tutubo din yun eh." "Ang hilig mo talagang magtanim. Para kang si nanay." Sa pagkabanggit ni Ate Stacey kay nanay ay nakaramdam ako ng lungkot. Namimiss ko na si nanay. Pero hindi na namin sya makakasama ni Ate Stacey dahil wala na sya. Patay na sila ni tatay at ni Tiyo Cesar. "Halika na nga. Pumasok na tayo sa loob at maglinis ka na bago kapa makita ni Sister Cynthia .Siguradong papagalitan ka nun." Hinawakan ni Ate Stacey ang kamay ko at hinila na ako papasok sa malaking bahay.. "Hayan, malambot at madulas na ang buhok mo. Maganda naman ang buhok mo eh, kulang lang sa suklay." Ani Ate Stacey habang sinusuklay ang buhok kong hanggang balikat ang haba. "Thank you ate." Sabi ko at humarap kay Ate Stacey at ngumiti. "You're welcome." "Ate, paano kapag may gustong umampon ulit sayo? Sasama ka na?" Malungkot na tanong ko. "Sasama ako kapag kasama ka. Hindi ako sasama kapag hindi ka kasama. Di ba? Nangako tayo kay nanay noon na hindi tayo maghihiwalay at lagi tayong magkasama." Ngumiti ako kay Ate Stacey at tumango. "Huwag mo kong iiwan ate, ha." "Hindi kita iiwan. Promise. Magsasama tayo habang buhay." Yumakap ako kay Ate Stacey at niyakap din nya ako. Maraming gustong umampon sa kanya dahil maganda sya at matalino. Hindi gaya ko na marungis at malikot. Pero ayaw magpa ampon ni Ate Stacey kapag hindi ako kasama. Ako rin, kapag may gustong umampon sa akin, hindi rin ako sasama kapag hindi kasama si ate. "O, bakit gising pa kayong dalawa? Magsitulog na kayo at gabi na." Naghiwalay kami ng yakap ni Ate Stacey at lumingon kay Sister Cynthia na nasa pintuan. "Opo sister, good night po." Sabay naming sambit ni Ate Stacey at sabay din kaming nahiga at nagkumot. Tulog na ang mga kasama naming bata sa kwarto at kami na lang ni Ate Stacey ang gising. Kumalat na ang dilim sa buong kwarto dahil pinatay na ni Sister Cynthia ang ilaw. Sinarado na rin nya ang pinto. Tanging ilaw na lang sa poste sa labas na tumatagos sa bintana ang nagbibigay ng liwanag sa loob. "Matulog na tayo Floreza." "Oo ate, good night." "Goodnight bunso." Tumagilid ako ng higa at yumakap kay Ate Stacey. Pinikit ko na ang mga mata.. -- "GUSTO mo pa?" Alok sa akin ni Ate Stacey ng pritong itlog na nasa plato nya. Ngumiti naman ako at tumango. Tumawa naman si Ate Stacey at binigyan ako ng itlog. "Ang takaw mo talaga kaya nananaba ka eh." Humagikgik ako. "Masarap kasing kumain ate, eh." "O yan, sayo na yang itlog." "Eh paano ka ate?" "Busog na ako." "Eh di akin na rin yan pati sinangag?" "Oo nga, sayo na." Natatawang sabi pa ni Ate Stacey at inusod na sa akin ang kanyang plato. Magana naman akong kumain at inubos ko ang laman ng plato nya. "Yung mga tapos nang kumain, hugasan nyo na ang mga plato nyo." Ani Sister Cynthia. "Opo sister." Sabay sabay naming sabi. Pero si Sister Cynthia ay lumapit sa mesa namin ni Ate Stacey. "Hindi ka pa tapos kumain Floreza?" Ngumuso ako. "Inubos ko po ang pagkain ni Ate Stacey, sister. Kasi sabi nyo po bawal magtira." Umiling iling si Sister Cynthia. "Kaya nananaba ka dahil ang lakas mong kumain." "Masarap po kasing kumain sister, eh." Nakangusong sabi ko at sinimot ko pa ang butil ng mga kanin. "O sya, hugasan nyo na yang mga plato nyo." Tumalikod na si Sister Cynthia at nilapitan ang ibang bata. Dinampot ko naman ang baso ng tubig ko at uminom. "Akin na yang plato mo, hugasan na natin." Kinuha ni Ate Stacey ang plato kong parang dinilaan ng kalabaw dahil simot ang laman. Lumapit na kami sa lababo at hinugasan na ni Ate Stacey ang plato naming dalawa.. "Taya!" Hinawakan ko si Buknoy sabay takbo ko dahil hahabulin nya ako. Tinulinan ko pa ang takbo habang tumatawa. Pero si Buknoy ay tumigil sa paghabol sa akin. "Hoy Buknoy! Habulin mo na ako, ang daya mo ha!" Sigaw ko kay Buknoy. Pero hindi nya ako pinapansin at nakatingin sa mga nagkukumpulang bata sa bakod na bakal. "Tara, punta tayo don!" Yaya ni Buknoy sa akin. "Ayoko! Dali na habulin mo na ako. Ang daya mo naman eh." Angal ko. Pero hindi nya ako pinansin at tumakbo sa mga nagkukumpulang mga bata. Napakamot na lang ako sa ulo at sumunod na lang kay Buknoy. "Ano bang meron?" Tanong ko at nakisiksik sa mga bata. Sumilip ako sa labas ng bakal na bakod. May nakita akong limang itim na sasakyan na makintab. "May mga bisita. Maghahanap yata sila ng aampunin." "Ang yaman nila. Sana ako ang ampunin nila." Humawak ako sa bakal at tumingin tingin sa mga magagarang sasakyan. Halatang mayaman sila at mukhang mag aampon din. Lumabas si Mother Superior Esmeralda ang head ng orphanage at ang dalawa pang sister. Sinalubong nila ang isang lalaki na may dalang brief case at nag usap sila. Maya maya pa ay may lumabas na matangkad na lalaki sa isang sasakyan. Ang gwapo nya at mukha syang mayaman pero lukot ang kanyang noo. Mukha syang masungit. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD