***Floreza POV*** "SALAMAT, Kuya Mon." Nginitian ko si Kuya Mon na inalalayan pa akong makababa ng sasakyan. Tumingin ako sa harap ng malaking bahay ni Liam. Nagliliwanag yun sa mga ilaw. Bukas ang malaking gate at labas pasok na ang mga bisita. Namumukhaan ko pa ang iba dahil mga kaklase at kaibigan ito ni Liam. Mukhang marami raming bisita si Liam. Binalingan ko si Kuya Mon. "Dito lang ba kayo kuya, o babalikan nyo ko?" "Dito lang kami Floreza. Yun ang mahigpit na bilin ni boss. Saka two hours ka lang." Napanguso ako ng maalala ang istriktong nobyo. Buti nga at pinayagan nya ako na pumunta ngayon sa birthday ni Liam. Yun lang ang dami nyang bilin. Isang oras nga lang ang binibigay nya sa akin. Pero nakiusap ako na gawing dalawang oras. Kinulit ko pa sya ng kinulit at nilambing b

