Floreza POV "S-SORRY po." Nauutal at natatarantang sambit ko kay Sir Remus. Gumilid ako at akmang lalampasan sya pero humarang sya. Kaya napalunok ako at lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. "Where are you going?" Tanong nya sa malaki, malalim at magaspang na boses. Muli naman akong napalunok sa kaba. "S-Sa kwarto po nila tatay at nanay. K-Kukunin ko po ang gamot ni nanay." "Ah, ako na lang ang kukuha, anak." Singit ni Tatay Rogelio at lumapit sa amin. "Magandang gabi po, ser." Bati pa ni tatay kay Sir Remus at nag excuse. Tumalikod naman ako at malalaki ang hakbang na bumalik sa kusina. Pero ramdam ko pa rin ang mainit na tingin ni Sir Remus sa akin. "Magandang gabi po, ser." Bati ni Nanay Rosita at ng mga kasambahay. Dinampot ko namang muli ang malinis na basahan at nagpunas

