Floreza POV "FLOREZA, pinapatawag ka ni ser sa office nya sa taas." Lumingon ako kay Ate Oring. "Bakit daw, ate?" Kabadong tanong ko. "Hindi ko alam, eh. Hindi naman sinabi ni ser." Lumunok ako. 'Bakit kaya nya ako pinapatawag? Baka hindi nasarapan sa adobo ko.' "Sige na anak, puntahan mo na si ser sa taas. Ako na ang maghuhugas nyan." Ani Nanay Rosita. Naghugas na ako ng kamay at nagpunas. Nagpaalam na ako kay Nanay Rosita at lumabas na ng kusina. Tatlong mahihinang katok ang ginawa ko. Nang marinig ko ang boses ni Sir Remus ay hinawakan ko na ang doorknob at pinihit na pabukas. Nakita ko syang nakaupo sa likod ng table nya habang nakaharap sa laptop. Pumasok na ako at sinarado ang pinto. Kumakabog ang dibdib na lumapit ako sa kanya. "Sir.." Nag angat ng tingin si Sir Rem

