***Stacey POV*** NAGISING akong wala na sa tabi ko si Bryce. Pero naiwan naman sa tabi ko ang amoy nya. Bumangon na ako at nag inat. Dumiretso ako sa kahoy na bintana. Hinawi ko ang kurtinang puti at binuksan ang bintana. Napapikit ako ng sumalubong sa akin ang sinag ng araw at malamig na simoy ng hanging pang umaga. Ngumiti ako at humugot ng malalim na hininga. Sobrang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin at sinag ng araw na hindi pa masakit sa balat. Dumilat ako at tumingin sa paligid. Maganda ang panahon. Maliwanag ang langit at luntian ang paligid. Dinig ang mga huni ng ibon at tilaok ng mga manok. May nakikita akong mga taong naglalakad sa kalsada at ilang mga motorista. Tumingin ako sa ibaba ng bahay. May nakita akong batang lalaki na naglalaro. Mukhang may bisita. Umalis n

