NAKATITIG si Jhen sa monitor niya nang mag-send na si Kaiser ng conditions nito tungkol sa kanilang deal. Ayaw sana nitong gawin ang isang kontrata sa pagitan nila ngunit nais na rin nitong makasiguro. Kahit siya ay ayaw din niya ngunit kailangan niya si Kaiser ngayon para sa laban niya. He wanted me to stay sa condo niya anytime na kailangan niya ako? Tama ba itong pinasok ko? Well, kung wala naman body contact, keribels lang. “Bakla!” “Ay, kabayo ka!” Nagulat na naman siya nang bigla siyang tinapik ni Arvi. “Hindi ka pa uuwi? Diyos ko, Dai. Alas-sais ng gabi na at traffic na naman tayo nito. Gora na tayo.” “Ikaw talaga ang hilig mong manggulat,” reklamo niya. Ini-off naman niya ang kaniyang computer at inayos ang kaniyang gamit para umuwi na kasabay ni Arvi. “Ang hilig mo sa kape a

