KASALUKUYANG nasa bahay sila ni Georgette kasama ang mga girls dahil napag-usapan nila kagabi mag-bonding muna. Nakilala na niya ang iba pa nilang mga kaibigan sa tulong na rin ng kaibigan niyang si Zairah. At this time, kakapanganak lang din ni Trina kaya may mga regalo pa silang ini-abot para sa mga kambal nitong mga anak. Syempre, isama na ang asaran sa isa’t isa lalo na sa buhay may-asawa. “How’s the new life of being married, Trina? Masaya ba? Enjoy ba?” tanong ni Riexen na malawak ang ngiti kay Trina.m “Ayos lang naman,” tugon niya. “Of course, exciting sa part namin ni Kameron dahil nga mga kambal. Masaya rin naman ako dahil inaalagaan ni Kameron ang mga bata. Alam niyo naman ang kwento namin, right?” “How’s the performance of your husband? Magaling ba?” tanong naman ni Georget

