GUSTO na talaga ni Marlon na maghamon ng away nang marinig niya ang tawa nila Blaire at Airon ay rinig na rinig pa rin niya ang tawanan ng mga ito. Kung hindi nga niya yakap si Cristine ay baka nanugod na siya ng suntok. Minsan talaga hindi niya alam kung ipagpapasalamat niyang mukhang bata si Cristine o ituturing na sumpa. Kahit kasi na bente-uno na ang dalaga ay mas mukha itong sixteen years old kaya madalas na nasasabon siya ni Jeff kapag kasama niya ang dalaga. “Marlon! Marlon!” untag sa kanya ni Cristine. “Bakit?” aniya nang tinignan niya ito habang nakatingala sa kanya. “May problema ba? Ang sama kasi ng tingin mo eh.” Nginitian niya ito. “Wala naman, siya nga pala may ipapakilala ako sa`yo.” Iginiya niya ito patungo sa mga kapatid niya. “This is Mari and Mino the Alpha’s c

