HINDi na maalala ni Cristine kung pang ilang araw na ba `to simula nang umalis si Marlon papuntang Oregon, siguro dapat niyang sabihin na sapilitan itong binitbit papunta `don. Alam niyang wala pa atang isang linggo nang makaalis ito, pero bagot na bagot na talaga siya. Nitong mga nakalipas na araw ay inasikaso niya ang bahay niya sa Pilipinas, sa sitwasyon kasi ngayon malabong makabalik siya roon ng basta-basta. Buti na lang at naiayos na niya ang mga gamit niya `don. Nakakuha siya ng isnag temporary caretaker sa bahay niya habang wala siya. Wala din sa isip niya ngayon ang bumalik dahil ang mas gusto niya ay nandito lang siya oras na bumalik si Marlon. Pero kahit na anong pagulong-gulong niya sa kama at wala pa rin talaga siyang maisip na kahit na ano.

