"Dito muna ako matutulog baka bumalik ang hayop na iyon." Sabay lapag niya ng unan sa mahabang upuan na malapit sa higaan ni Jane. "Huwag kang mag-alala hindi ako ganiyang tao na nasa isip mo" “Still, you are not allowed to sleep here.” Diinang sabi ng dalaga. Napatitig si Ice sa kaniya habang yakap nito ang unang hinagis ni Jane. “I insist,” sabay larong tulog-tulugan ng binata. Niyug-yog naman ni Jane ang katawan ni Ice habang nagpapanggap parin siyang tulog. “Tomorrow you need to go back sa silid mo.” Hindi siya pinansin ni Ice at bumalik ang dalaga sa malambot na higaan nito. Nagpapakiramdaman ang dalawa habang pikit ang kanilang mga mata. Ito ang unang pagkakataon na matutulog sila sa iisang lugar. Hindi namalayan ng dalaga

