────⊱⁜⊰──── Tuluyan na ngang nanirahan si Maricris sa condo unit ni Sammy. Hindi niya inakala na muli niyang makakasama ang lalaking iniibig niya sa iisang bubong. Nag-iisa siya ngayon at si Atticus lamang ang kasama niya. Sinundo kasi ni Hugo si Sammy dahil may mahalaga raw silang lakad na dapat nilang asikasuhin. Habang naglilinis ng bahay si Maricris ay sunod-sunod na katok ang pumukaw sa kanya kaya mabilis na napaangat ang kanyang mukha at nilingon ang pintuan. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya hindi niya alam kung sino ang taong kumakatok sa pintuan. Maingat siyang lumapit sa pintuan at sinilip niya sa peephole kung sino ang kumakatok. Napaatras siya ng bahagya ng makita niya na isang napakagandang ginang nito. Hindi niya ito kilala kaya nagdadalawang isip siya kung pagbubuk

