────⊱⁜⊰──── Maagang gumising si Sammy dahil pupuntahan nila si David. Maaga pa lang din ay nasa ibaba na sila Hugo upang samahan siya sa pagpunta sa mansion ng mga Hendrickson at tulungan sa pakikipag-usap dito. Hindi nila alam kung naroroon ngayon si David. Kagabi pa tinatawagan ni Sammy si David ngunit dumidiretso lamang ang tawag niya sa voice mail. "Nakausap mo na ba siya sa phone? Alam na ba niya na darating tayo ngayon?" tanong ni Hugo pero umiling si Sammy. "Kagabi ko pa nga siya tinatawagan pero naka off ang phone niya. Nandito pa naman siya sa Pilipinas unless na lang nag invisible na naman 'yon at nakaalis ng bansa na walang nakakaalam na lumipad siya at kung saan siya pupunta. Parang hindi naman ninyo kilala ang mga Hendrickson," sagot ni Sammy kaya napatango lamang sila Hugo

