Maricris POV After ng wedding sa simbahan ay dumiretso na kami sa hotel na pag-aari ng mga Dux. Dito ginanap sa isang malaking hall ang reception at talaga namang napakaganda at napaka elegante ng pagkakaayos ng lugar. Maging ang maliliit na bagay ay detalyado at talagang masasabi mo na pinagbuhusan ng oras at ng malaking halaga ang okasyong ito. Namamangha ako sa kagandahan ng lugar na ito kaya nagdadalawang isip tuloy ako kung ilalagay ko ba ang regalo sa stage na puno ng malalaki at mukhang mamahaling mga regalo. Napatingin ako kay Sammy na hawak ang kamay ko at sa isang kamay naman niya ay ang regalo namin. Wala siyang maisip na iregalo kaya ang check na lang ang inilagay niya sa isang maliit na box. Hindi ko alam kung magkano ang nilalaman nuon pero sigurado akong malaking halaga i

