────⊱⁜⊰──── Nakarating ng Cavite sila Marcus. Wala kahit na anino ni Ramon sa napag-usapan nilang lugar. Maging ang mga tauhan nilang nakabantay ay walang nakitang Ramon na umaaligid o nagtatangkang tumungo sa abandonadong warehouse. Inabot na sila ng dalawang oras sa paghihintay ngunit wala pa ring Ramon ang nagpapakita sa kanila kaya nakakaramdam na ng pagkainip ang magkakaibigan dahil hindi nila alam kung makakarating pa ba si Ramon o isa lamang ito sa mga plano ni Benavidez. "Nakahanda ba ang mga tauhan sa mansion mo Sammy?" tanong ni Marcus at napatingin pa ito sa kanyang orasang pambisig. "Hindi nila 'yon mapapasok, bago pa sila makagawa ng hakbang ay naubos na sila ng mga tauhang iniwanan natin sa kanila." ani naman ni Sammy. "Huwag kayong mag-alala dahil nanduruon din ang mga

