"Ma, Pa, ano na naman ba yang pinag aawayan nyo ganito nalang ba palagi yung madadatnan ko pag uwi ko ng school yang away nyo? Ano ba! Pagod na ako sa school pati dito stress parin ako ayusin nyo yang problema nyo utang na loob naman oh" saad ko
"Yang Papa mo kasi" saad ni mama
"Anong ako? Ikaw! Pinahiya mo ako sa lahat paano naman kasi pumunta ka sa bahay ni Kate ar nagwala" saad ni Papa
" Bakit? Nahihiya ka na malaman ng lahat na may kabit ka? " Saad ni mama at akmang sasampalin ito ngunit pinigilan ko si Papa
"Pa kailan ka pa ba magbabago? Lasinggero kana ngayon nangba babae ka pa? Pa naman isipin mo nalang kami, ano ang sasabihin ng ibang tao if nalaman nila to? Walang hiya ka talaga eh" saad ko ng biglang sampalin ako ni Papa
"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan Papa mo parin ako" saad niya
" Lumayas ka dito o ipakukulong kita" bulyaw ni Mama sa kanya at umalis naman si Papa
" Nak okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya
" Diba dapat ako ang mag tanong sa inyo noyan? Okay lang ba kayo ma? Sinaktan ba kayo ni Papa?" Tanong ko
"Ayos lang ako pero pinagsisisihan ko na siya ang napangasawa ko babaero, lassingero, iresponsable at mapanakit kaya ikaw anak dapat magtapos ka ng pag aaral mo ha, at kung mag aasawa ka in the future sana yung matino yung responsable yung di nananakit at yung kaya kang buhayin tandaan mo yan ha" paalala ni mama sakin... Gabi na at inopen ko ang socmed account ko at may message akong natanggap kay James or should I say kuya James kasi matanda siya ng 1 taon sakin
" Hi kamusta araw mo? Ako kasi babad sa schoolworks" saad niya
"Eto nasampal ni Papa denepensahan ko kasi si mama eh" reply ko
"Huh? Di ka dapat sinaktan ng Papa mo anak ka niya eh" sagot niya
"Wala eh, hayaan mo na sanay na ako sa ganito" saad ko
"Someday kung bibigyan mo ako ng chance na maging tayo di kita sasaktan" saad niya
"Hay nako wala pa sa isip ko ang ganyan mag aaral pa ako" saad ko
" Alam ko kaya mag aral ka ng mabuti ha hihintayin kita" saad niya