Ilang beses ko na ding in iiwasan si James mapa chat o sa personal man
"Sis okay kalang?" tanong ni Ana sinuklian ko naman ito ng ngiti at tumango ako
"Sure ka?" tanong nya naman ulit
"Oo nga ang kulit" sagot ko
"Okay sabi mo eh " sabi niya
"Punta muna ako ng cr" sabi ko at umalis papasok na sana ako ng cr ng may humila sakin walang iba kundi ang taong iniiwasan ko na ng ilang araw
"Bitiwan mo ko!" Pag pupumiglas ko
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong nito
"Di kita iniiwasan saad ko
" Sinungaling, sabihin mo sakin may nagawa ba ako? Bakit mo ako iniiwasan.?" tanong niya
"Wala nga!!!" saad ko
" eh bakit mo ako iniiwasan lahat ng mga messagges ko di mo sinasagot bakit?" tanong niya
"busy lang ako" saad ko
"so kahit isang segundo lang para replyan ako di mo magawa" saad niya
"tumigil ka pwede pinagtitinginan na tayo ng lahat" saad ko dito
"wala akong pake please lang sabihin mo sakin gusto kong malaman bakit mo ako iniiwasan nong nakaraan okay lang naman tayo diba? nagtatawanan naman tayo pero bakit?" mahaba niyang lintaya
" gusto mong malaman?" tanong ko
"oo sabihin mo sakin para alam ko naman di yung para akong tanga na nag iisip ng kung ano" sagot niya
"dahil nagugustuhan na kita" saad ko at paiyak na kaya tumingin ako sa taas
"ano?" tanong niya
"sorry kasi nagustuhan kita wala yun sa plano ko eh sabi ko mag aaral muna ako tapos dumating ka andyan ka lagi para sakin eh kaya kahit ilang beses kung pigilan ang sarili ko na di ka gustuhin nabibigo ako eh kasi gusto kita" saad ko at umalis sa harap niya dinig ko na tinatawag niya ako ngunit tumakbo ako palayo sa kanya at bumalik kung saan ko iniwan si Ana
"bakit ka umiiyak? tanong niya
"uuwi na ako " saad ko at umalis