mabilis kong tinapos ang pag paplantya para narin hindi kona maabotan pang lalabas si Miggy sa cr nito. tag iisang Paris lang din naman ng uniform nito ang plinantya ko kaya hindi na ako matatagalan pa. maya maya pa'y natapos na din ako sa ginagawa ko kaya niligpit kona ito at lumabas ng kwarto pababa ako ng hagdan ng marinig kong nag riring ang telepono sa sala,
"t-teka nasan ba mga tao dito bakit walang May sumagot sa telepono?" takang tanong ko sa sarili.
bumaba ako at dumiretso sa sala para sagutin ng tawag.
"hello?" tanong ko sa kabilang linya
"hello good morning sino tong kausap ko?" tanong din nito sakabilang linya.
"Shaira po yaya po dito" sagot ko dito .
"owh hi Shaira this is Janine how are you guys there?" sagot sakabilang linya. napatigil ako ng sandali at nag salita .
"ah kayo po pala .okay naman po kami dito ma'am"
"hindi ba kayo pinapahirapan ng dalawang anak ko?" nag aalala nitong tanong sakin.
"hindi naman po keri pa naman po namin "
"nako thank you ha at pinag tityagaan nyo sila. wag kayo mag alala kapag tumagal pa kayo dyan ng ilang buwan dadagdagan ko ang sweldo nyo kaya sana wag kayo sumuko kahit napaka bad ng mga babies ko." malambing nitong wika.
"nako salamat po, pipilitin po naming tumagal dito ni Josefa ma'am" wika ko dito.
"owh by the way kaya ako napatawag kasi ikaw talaga sadya kong kakausapin, kasi ano hija eh, hindi ko alam kong papayag ka" sagot nito na ikanataka ko.
"ah ano Poba yun ma'am? wag po kayo mahiya mag sabi. kami nga po dapat mahiya eh haha" pilit kong tawa dito, malakas kasi ang kutob kong hindi magiging maganda ang sasabihin nito dahil sa pag sabi pa lang na baka hindi ako papayag.
"I want you and Josefa to study at Miggy and Timmy's school too. what I want is to look at their actions in school as well. in the past the principal of their school was always calling me because of my son's antics so I wish you were there so you could tell me what the hell those two are doing" mahaba nitong paliwanag sakin, napa nganga naman ako sa sinabi nito dahil hindi ko alam kong ano magiging reaksyon ko, kung magiging masaya ba ako dahil makakapag aral na olit ako o malulungkot dahil buong araw ko nanaman si Miggy makakasama, akala ko kasi makakapag pahinga ako kay Miggy kapag papasok na ito sa school..
"okay lang ba sainyo? ako na bahala sa mga cards nyo para diretso nalang kayo pasok bukas at para wala na kayo alalahanin pa ok bye " hindi pa man ako nakakapag salita ay binaba na nito ang telepono.
wala sa sariling umakyat ako sa hagdan at tinongo ang kwarto ko, hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto ng biglang lumabas si Miggy sa kwarto nya at tinitigan ako.
"where's the one I asked you to cook? taas kilay nitong tanong sakin ng mapansin nitong wala manlang akong dala na tray. doon ay napagtanto kong pinapaluto nya pala ako ng breakfast nya.
"n-nako nakalimutan ko, sorry sorry wait lulutoan na kita" taranta kong sabi dito. hahakbang na sana ako ng bigla itong mag salita.
"Stop being so stupid, what goes into your brain and you forget what I ordered? I'll just order my food outside because if I wait for you I'll just get hungry because of you" pag susungit nito at humakbang na pababa ng hagdan.
"grabi ang sungit talaga, ipagluluto na nga ayaw pa. ang aga aga pa kaya masyado naman syang excited pumasok tinawag pa akong tanga. ikaw kaya biglain sa sasabihin ng iba Dika ba matutulala?" bulong ko sa sarili.
pumasok na ako sa kwarto at humiga. napabuntong hininga nalang ako ng maramdaman ko ang malamig at malambot na kama.
"ano ba? mag aaral ba ako olit? kakayanin ko bang pag sabayin ang trabaho at pag aaral? stress na nga ako kay Miggy dagdagan pa sa pag aaral. pero opportunity na din yun para sakin para kapag aalis na ako dito May mahanap parin akong matinong trabaho" sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi kona namalayan na pumasok na pala sa kwarto ko si Josefa, nagulat nalang ako ng mag salita ito.
"ano dayy? pagod na pagod yarn?" tanong nito sakin na ikanagulat ko .
"ay itlog! ano ba hindi kaba marunong kumatok?" inis kong tanong dito.
"ay hala? sorry ha kanina pa kasi ako kumatok pero walang sumasagot kaya nga inisip kong wala ka dito eh. tapos pagpasok ko nandyan ka lang Naka hega at Naka tunganga.? ano nanaman ba kasi iniisip mo ha?" tanong nito sakin
bumangon ako at umupo at humarap kay Josefa kita sa muka nito na hinihintay ako nitong mag salita.
"alam mo ba nakausap ko kanina si ma'am Janine" pag uumpisa ko dito
"oh ano big deal don? ano ba sabi nya?"
"mag aral din daw tayo para masubaybayan natin ang mga señorito sa school nila" wika ko dito at halatang nagulat din ito dahil lumaki ang mata nito at ngumiti ng pagka laki-laki. tumaas naman ang isang kilay ko sa reaksyon nito.
"hoy anyare sayo? okay kalang?" tala kong tanong dito.
"sobrang okay ako. as ing sobrang sobra . olitin mo nga sinabi mo? baka mali lang pagkakarinig ko" wika nito na ngiting ngiti pa.
"mag aaral nga daw tayo sa school nila Timmy" olit ko dito.
"talaga? grabi pinag pala yata ako ng langet ngayon alam moba ang daming gwapo daw sa campus nila halos artistahin ang mga muka" kwento nito na halos kumikinang kinang pa ang mata sa tuwa.
"hoy nandun tayo para mag aral at bantayan ang mga señorito hindi para manood ng mga gwapo" awat ko dito.
"ano kaba kasama nayon no, alam mo puro mayayaman daw doon at milliones,kapag nag ka bf ako don aasawahin ko agad para naman di masabi na pera na naging abo pa diba?"
"hay iwan Koo sayo humanap kanga ng kakausap sayo don" pagtataboy ko dito.
"palibhasa kasi nag dadalawang isip ka dahil kay Miggy. I think hindi ka naman nya gagalawin pag nasa school tayo eh malay mo focus sila sa school nila"
"yun lang akala mo" tipid kong sagot dito at bumalik na sa pag hega.
"balik na ako sa kwarto ni Timmy dadalhin Kopa ang bag nya sa kotse eh ,iwan Koba ang tamad nya mag bitbit ng bag" reklamo nito sakin
"nga pala pahega hega ka nalang dito hindi Moba inaasikaso si Miggy?" Takang tanong nito sa akin.
"umalis na sya kanina pa,"
"talaga ang aga naman yata nya masyado?"
"aba malay ko" walang gana kong sagot dito. narinig ko nalang na bumokas ang pinto at lumabas na si josefa..
miggy's POV
lumabas ako ng kwarto dahil halos kalahating oras na din ako nag hihintay sa pinaluto ko kay Shaira na breakfast, ang tagal nito bago umakyat kanina pa ako nagugutom. sakto naman na pag labas ko ay nasa tapat na ito ng pintoan at napatitig ito sa akin, kumonot naman ang noo ko ng mapansin kong wala manlang itong dala.
"where's the one I asked you to cook?"tanong ko dito. napansin kong parang wala din ito sa sarili nyang katinoan dahil bigla lumaki ang mata nito, napagtanto siguro nito na May nakalimutan syang ibigay sakin.
"n-nako nakalimutan ko, sorry sorry wait lulutoan na kita" natataranta nitong wika paalis na sana ito ng pigilan ko sya. nainis na din ako dahil sa narinig kong mag luluto palang ito.
"Stop being so stupid, what goes into your brain and you forget what I ordered? I'll just order my food outside because if I wait for you I'll just get hungry because of you" wika ko dito dahil sa inis. napansin ko namang nainis sya sa sinabi ko. sinabihan ko nalang itong bibili nalang ako sa labas ng makakain dahil kapag hinintay Kopa sya ay magutoman lang ako.
bumaba na ako ng hagdan at tumongo sa harap ng mansyon. nag pahated nalang ako kay manong Berto papunta sa school dahil ayaw ko mag drive. gusto ko Mona matulog olit habang nasa byahe medyo hindi pa kumpleto ang tulog ko dahil sa maaga akong gumising.
"manong Berto paki bagalan lang ang pag drive para hindi ako maistorbo dito sa pagtulog" utos ko sa matanda. masyado pa namang maaga kaya okay lang kong mabagal ang takbo ng kotse .
shaira's POV
nagising ako dahil nakaramdam ako ng pag iihi.
"hala nakatulog na pala ako. ano oras naba?" tanong ko sa sarili. nag cr Mona ako at pagkatapos non ay hinanap ko ang cellphone ko para tingnan kong anong oras na." 8:00 am palang pala himala hindi ako pinuntahan ni Josefa ngayon busy pa yata sa linis ng kwarto ni Timmy or nandon lang s kwarto nya at nanonood nanaman ng cartoons.?"
humiga na ulit ako at binuksan ang cellphone naisipan kong boksan ang. f*******: at mag scroll scroll ng biglang May nag notif sa f*******:.
Mico Aron send you a friend request. Nong una parang ayaw ko nalang pansinin dahil hindi naman ako mahilig mag accept sa f*******: lalo na kong hindi ko naman kilala.kaso mutual ko sakanya si king kaya pinindot ko pangalan nito. nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto kong ito ang coach ni king Yong crush na crush ko dati pa. napabalikwas naman ako sa hegaan dahil sa tuwa. agad akong lumabas ng kwarto at tinungo si Josefa sa kwarto nya, pag pasok ko ay nakadapa ito at nakatutok sa panonood ng larva?
"grabi pabata ng pataba ang pinapanood nito ah? baka sa susunod na araw magulat nalang ako cocomelon na sunod na target na papanoorin nito?" bulong ko sa sarili ng bigl itong lumingon.
"ano binubulong bulong mo Jan?" taas kilay nitong tanong sakin. agad naman ako napangiti, tumakbo ako at tumalon sa kama nya kaya naman pati sya ay napa lundag dahil sa lambot ng kama nya.
"ano kaba naman tumigil kanga baka malaglag ako dito." awat nito sakin kaya tumigil ako at ngiting ngiti na umopo sa harap nya.
"guess what?"
"diretsohin mo nalang ako dahil istorbo ka sa pinapanood ko" cross arm nitong wika na Naka taas pa ang kaliwang kilay.
"inadd ako ng coach ni king sa f*******:. look!" excited kong wika dito at pinatingnan ang f*******: ni Mico.
"oh tapos ano gagawin ko? yun lang ba ang dahilan?" taray nitong tanong sakin .
"ano kaba naman syempre masaya lang ako kasi sya na mismo nag add sakin at dahil na din wala na akong kondisyon sayo" pag taray ko dito.
"duh wag monga ako istorbohin nanonood ako dito eh" reklamo nito. kaya humiga na din ako sa tabi nito at nakinood na din.. patawa tawa lang ito habang nanonood ng larva habang ako naman ay pinag iisipan kong e aaccept koba sya agad or mamayang hapon nalang?
"ano ba? e accept ko naba? kaso kapag inaccept ko agad baka isipin nya excited ako pero baka mamaya kapag hindi Kopa inaccept isipin nya binaliwala ko sya at e cancel nya?"
"e accept Mona walang mangyayare kapag tinitigan mo lang yan" bumalik ako sa katinoan ko ng mag salita si Josefa napansin siguro nito na titig na titig ako sa cellphone ko.
"hayst mamaya nalang siguro"
"ang arte mo ha inferness san kaya nakuha ni coach pangalan mo sa f*******:?" tanong nito
"baka nakita nya lang? or napadaan lang ang f*******: ko sa timeline nya?"
"wow so ano yun? f*******: Mona ang kusang lumandi sa f*******: ni coach kaya nakita nya ang f*******: mo? "
"ang sabihin mo baka tinadhana talaga kami ni coach" ngiti kong wika dito.
"wow nangarap ka nanaman ng gising eh no? alam mo linisan mo nalang siguro ang kwarto ni sir Miggy May mapapala kapa hindi yung nangangarap ka ng gising Jan"
"ay oo nga pala lilinisin Kopa yun papalitan ko na din Yong mga bedsheet at kurtina nya" wika ko dito.
bumangon na at lumabas ng kwarto ni Josefa para dumiretso sa kwarto ni Miggy. tulad ng dati sobrang lamig sa loob ng kwarto ni nya kaya napayakap ako sa sarili ko. una ko Mona ginawa pinatay ko ang aircon at binuksan ang kurtina.halatang maalikabok nayon kaya mas pinili ko nalang na alisin na at palitan ng panibago. pumonta ako sa sakabilang kwarto kong saan makikita ang mga kurtina at ponda. kinuha ko ang puti na kurtina para maiba naman ng kulay halos all black na kasi ang loob ng kwarto ni Miggy kaya mas lalong dumilim sa loob,
FAST FORWARD
natapos kona ang lahat ng gagawin ko napalitan kona lahat ng mga pwedeng palitan na ponda at kurtina. at nakapag mop na din. bago ako umalis binuksan ko na din ang aircon at lumabas sakto naman sa pag labas ko ay bumangad sakin si manang Fe.
"nandito ka lang pala halika ka at kakausapin kita" wika nito habang humahakbang patungo sa kwarto ni Josefa.
"ahm bakit po manang Fe May nangyare po ba?" taka kong tanong dito dahil napaka seryuso ng mukha nito.
"wala naman basta sumunod ka nalang sakin" saad nito na hindi lumilingon sakin. nakarating na kami sa kwarto ni Josefa sakto pag bokas nito ay kakalabas lang din ni Josefa galing sa cr at halatang kakatapos lang nito maligo. nagulat ito sa pag pasok namin ni manang Fe kaya nakatulala lang ito samin.
"sa tingin ko hindi na kayo maguugulat sa sasabihin ko dahil kayo mas unang nakarinig ng balita." pag uumpisa nito..
"balita po para san?" takang tanong ni Josefa.
"tungkol sa pag aaral nyo sa mismong paaralan ng mga señorito" totoo nga ang sinabi nya hindi na kami nagulat ng sinabi nya ang tungkol doon dahil naikwento kona din ito kay Josefa.
"mamaya lang ay darating na dito ang mga uniforme nyo at mga kailangan sa school bukas na bokas ay mag uumpisa na kayo sa pag aaral nyo don mismo"
"p-pero hindi pa po kami nakakapag desisyon manang Fe sa patungkol Jan" wika ko dito .
"hindi na kailangan ng desisyon nyo dahil kasama yun sa mga trabaho nyo. ang bantayan ang mga señorito kaya kahit san man sila ay kailangan nandon din kayo" mahinahon nitong wika at sabay na humakbang pa labas ng kwarto naiwan kami ni josefa na nag katitigan dahil sa mga sinabi ni manang Fe.
"grabi no talaga palang bantay sarado natin sila, akalain mo papaaralin tayo para lang bantayan? pero alam mo mali din ang ginagawa nila dahil nawawalan ng privacy ang mga kupal nayun, akalain mo pati sa school kailangan bantayan pa" reklamo ni Josefa.
"wala na tayo magagawa narinig mo naman sinabi ni manang Fe trabaho din natin yun kaya sundin nalang natin dahil opportunity na din natin na makapag tapos ng pag aaral."
umopo ako sa kama ni Josefa at kinuha ang cellphone medyo May kaba sa dibdib ko dahil bokas na bokas pappsik na kami parang ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko ngayon dahil hindi ko inakalang nakakatapak nanaman olit ako sa school.
pag bokas ko ng cellphone ay bumungad naman sakin ang mukha ni Mico. nakalimutan ko hindi Kopa pala sya na aaccept sa friend request nya.
"masyado na matagal kaya siguro e accept ko nalang sya" pinindot ko ang confirm at nakitang offline na ito one hour ago. nag scroll Mona ako sa f*******: nito at nakita ko ang mga hot picture nito, sa sobrang pagka hanga ko ay pinang save ko lahat ng mga picture nito sa cellphone ko.
mayaman si coach Mico halata ito sa pananamit nito at sa katawan nitong maskulado, hindi lang ako ang nag kakandarapa sakanya kundi halos lahat din ng babae sa Baranggay namin, kada merong liga sa court ay halos mapuno na ng puro babae kaunti lang ang nanonood dahil mas nakatoon ang mga atensyon nito sa coach ng kapated ko. kahit ako lagi ko sya tinitingnan pero kahit ni isang sulyap hindi nito magawa sakin kaya sobrang saya ko ng bigla ito mag add sakin.
habang nag scroll ako sa f*******: account nito ay napatigil ako ng makitang May picture Sya na May kasamang babae nakaakbay sya sa babae at ang babae naman ay nakayakap sa bewang niya. medyo kumirot ang puso ko ng makita ko yun
"May girlfriend na sya" wala sa sariling nabanggit ko yun ng malakas.
"hmm? sino?" tanong ni Josefa habang nag papahid ng toner sa muka nya.
" si coach May gf na sya" olit ko ng malumanay na boses.
"wee? patingin nga?" saad nito sabay hablot ng cellphone ko.
"owh girlfriend nya to? inferness ang ganda artistahin ang muka dzaii" wika ni Josefa habang zino zoom ang picture ng babae at ni coach. pero totoo ang sinabi nya maganda nga talaga ang babaeng kasama ni coach.
"pero teka 6 months ago na to ahh? ano to iniistalk mo account nya?" tanong nito sakin habang nakataas ang isang kilay.
hinablot ko ang cellphone ko dito at sabay na inoff.
"eh ano naman? stalk lang naman natural lang yun."
"baka naman kamag anak lang yun nag ooverthink kalang " wika nito ng mapansin na nalungkot ako.
"hayaan Mona" tipid kong sagot dito sabay pikit ng mata ko. mukang napagod ako sa pag lilinis ng kwarto ni Miggy kaya nakaramdam ako ng antok. narinig ko pang tinakpan ni Josefa ang toner.
FAST FORWARD
narinig ko nalang na May tumatawag sa pangalan ko kaya nama'y minulat ko ang mata at pinag masdan ang paligid. medyo inaantok pa ako kaya papakit pikit ang mata ko . napahinto ako sa gawing kanan na dingding kung saan nakalagay ang orasan. napa Laki ang mata ko makitang 8:20 na pala ng gabi kaya agad agad akong napabalikwas ng bangon . nasapo ko kaagad ang ulo dahil sa hilo, nabigla yata sa pag bangon ko. habang hinihintay kong mawala ang pagkahilo ay tyaka naman pumasok si Josefa sa kwarto ko at halatang nag mamadali ito
"bakit hindi mo ako gini-"
"bumangon Kana dyan dalian mo at pumonta ka sa kwarto ni Miggy bilisan mo" taranta nitong hila sakin.
"aray! bakit ba ano ba yun?" taka kong tanong dito.
"wag akong tanongin mo. pumunta ka nalang don dahil galit na galit nanaman sya at kanina kapa tinatawag, ang himbing naman yata ng tulog mo at hindi mo manlang sya narinig halos nag eecho na nga boses nya sa buong mansyon sa kakasigaw ng pangalan mo" wika nito sakin. taka naman na lumabas ako ng kwarto ni Josefa at tinungo ang kwarto ni Miggy.
"tahimik naman ahh? ano nanaman kaya kasalanan ko dito?" .
dahan dahan kong pinihit ang doorknob at sinilip kong nandon ba sya sa loob. hindi ko masyado makita dahil madilim ang kwarto kaya dahan dahan akong pumasok at hinanap ang switch ng ilaw.
pumonta ako sa kaliwang pader dahil tanda ko doon nakalagay ang switch ng ilaw . kinapa kapa ko ang pader hanggang sa May mahawakan akong switch. napangiti naman ako dahil sa wakas maboboksan kona ang ilaw . pinindot ko iyon at laking gulat ko ng makitang nakatayo sa harapan ko si Miggy at nakatingin ito sakin nang walang ekspresyon.
"ayy anak ng butete!!! sigaw ko ng makita ko sya halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa gulat.
"nandito ka naman pala eh bakit nakapatay ang ilaw?" tanong ko habang hawak ang dibdib ko. ramdam ko kasing grabi ang t***k ng puso ko parang lalabas na ito sa sobrang kaba.
"kanina pa kita tinatawag bingi kaba?" kunot noo nitong tanong sakin.
"p-pasensya na nakatulog ako hindi ko namalayan ang oras" paliwanag ko dito.
"wala akong pakialam sa explanation mo ,nag tatrabaho ka dito hindi nag papasarap ng buhay. kapag oras ng trabaho mag trabaho ka wag yung puro pahinga" wika nito na ikinataas ng kilay ko.
"pasensya na sir ha? napagod kasi ako kakalinis!! ng kwarto mo!!" madiin kong sagot dito.
"ano poba ipag uutos nyo kamahalan?" tanong ko dito.
"bakit puro puti ang mga nandito sa kwarto ko?" tanong nito sakin.
"eh yan lang nakita ko doon sa lagayan ng mga punda" paliwanag ko dito
"hindi kaba marunong mag tanong sa mga tao dito sa mansyon kung san ang mga itim na punda?" palakas na ng palakas boses nito na halatang galit na sya.
"teka ano ba problema sa puti ha? big deal ba yun?"
"oo big deal talaga to dahil never ako nag puputi dito sa kwarto ko, kaya palitan mo Nayan or ikaw ang papalitan ko" wika nito sabay talikod sakin at dumiretso sa study table nito. tinitigan ko Mona ito ng masama na sakto naman na ikinalingon nito.
"ano papalitan mo ba o tititigan mo lang ako ng masama" tanong nito. napabuntong hininga nalang ako at sabay na umalis sa kwarto.bumaba naman ako sa kusina para hanapin si manang Fe na sakto naman na nag luluto na ng kakainin naming lahat.
"oh nandito Kana pala? san kaba galing kanina at hindi mo manlang pinuntahan si Miggy? kanina pa sya nag tatawag sayo"medyo mataray nitong tanong sakin.
"p-pasensya na manang Fe nakatulog kasi ako kanina eh hindi ko namalayan ang oras, pero don naako galing sa kwarto ni sir Miggy" paliwanag ko dito.
"ano ba kina gagalit nya?"
"pinalitan ko kasi ng mga puti Yong mga kurtina at ponda nya, hindi ko kasi mahanap ang mga itim na ponda" paliwanag ko dito.
"dito kalang kukunin ko ang mga itim na ponda. ikaw nalang Mona ang mag hiwa ng mga rekado dito habang wala pa ako." utos nito sakin. umalis na ito para umakyat sa taas, kaya naman inumpisahan konang hiwain ang mga sangkap.
"halatang sinigang ulam mamaya. dahil May sinigang mix sa lamesa." bulong ko sa sarili habang. hinihiwa Ang sibuyas. natapos konang hiwain ang mga rekado at sakto din na nakababa na si manang Fe.
"umakyat Kana don. nandon na sa kwarto mo ang mga itim na ponda at kurtina." saad nito.
"salamat po manang Fe." sabay alis ko para tungohin ang kwarto. nakita ko ang mga ponda na nakapatong sa kama kaya agad ko itong kinuha at dumiretso sa kwarto ni Miggy. naabotan kong nanonood ito ng mga movie sa loptop nya kaya dahan dahan akong pumasok at tumongo sa kama nito.
"are you a turtle? I've been waiting for you to sort out your mess" reklamo nito.napataray nalang ako sa sinabi nito at humarap sakanya habang sya naman ay busy pa kakapindot ng keyboard nito
"hoy! nag linis ako hindi ako nag kalat, matatawag mopang makalat to eh ang linis linis na nga". saad ko dito at napabuntong hininga nalang dahil sa inis. nagulat nalang ako ng bigla itong tumayo at lumapit sakin.
"o-oh a-anong ginagawa m-mo?" utal kong tanong ng bigla nitong ilapit ang muka nya sa muka ko.
"Don't try to complain again when I'm going to order you something, do you understand? I'm the boss here so I'm the one to follow. if you complain again about what you were ordered to do, expect me to drag you out of the mansion" wika nito na May halong babala sa tono. nilayo nya ulit ang muka nito at mas umpisang humakbang papunta sa pintoan. sinundan ko ito ng masamang tingin hindi pa man sya nakakalabas ay lumingon ulit ito sa akin.
"ten minutes!! ten minutes I'll be back here and I want when I come back you won't be here and you should be done doing what you're doing" saad nito.
"oo boss masusunod boss" wika ko na ikina tingin naman nya ng masama bago lumabas ng kwarto..
nang ako nalang ang mag isa sa kwarto ay napabuntong hininga naman ako dahil oolit nanaman ako sa umpisa. mabibigat pa naman ang kurtina at bedsheet dahil sa kapal ng tela nito. kinuha ko ang cellphone ko at nag alarm ng 9:20 dahil 9:10 na pala ng gabi.. inumpisahan ko Mona sa kurtina dahil kailangan ko pang sungkitin ang bakal non.
FAST FORWARD
narinig konang nag alarm ang cellphone kaya dali dali akong lumapit dito at pinatay ang tunog. sakto lang dahil ponda nalang ng unan ang lalagyan ko at matatapos na ako. dali dali kong nilagyan ng ponda ang apat na unan. ng matapos konang lagyan ay dali dali kong kinuha ang mga pinalitan kona kurtina at dinala sa kwarto ko para doon nalang tupiin. pagkapasok ko sa kwarto ay nakahinga na ako ng maluwag. . nag lakad ako papunta sa kama at nilagay ang mga ponda dito sabay hega. ramdam ko ang pangangalay sa likod kaya pumikit Mona ako at huminga ng malalim.
"haysst kapagod! ang arte talaga ng miggy nayun walang awa. ano ba problema nya sa puti? ang ganda nga tingnan dahil lumiwanag sa buong kwarto nya.. bagay lang talaga sakanya ang kulay ng kwarto nya dahil kasing kulay lang din ng pag uugali" . pagod na pagod ako kaya naisipan kong buksan ang tv at nilagay ito sa YouTube sinearch ko Mona ang paborito kong kanta na Di NAGING AKO by yayoi.iwan koba hindi naman ako broken pero gustong gusto ko pakinggan ang kanta nayon. siguro dahil sa kakaibang tono nito. pero kung sakaling broken hearted ako sobrang masasaktan ako kapag narinig ko ang kanta nayon..
nag umpisa na ang kanta kaya nama'y naisipan kona din tupiin ang mga ponda at kurtina mas nag eenjoy kasi ako sa gawaing bahay kapag nakakarinig ako ng mga kanta.
natapos kona ang mga tupiin kaya umopo Mona ako at kinuha ang cellphone binuksan ko ang f*******: para na din malibang.
you have 2 message to Mico.
nanlaki ang mga mata ko ng makitang nag message sakin si Mico.pinindot ko ang message nito at binasa ang laman ng message.
Mico:hi kamusta? hindi na kita nakikita dito sa court ah?
Mico:balita ko nag trabaho kayo ni Josefa sa Las piñas?
napangiti ako ng sobra dahil sa mga nabasa ko.
"ibig sabihin hinahanap nya ako kapag hindi nya ako nakikita? waahhhhhh!!!" hindi ko napigilang tumili dahil sa tuwa. pinindot ko ang reply button at nag umpisang mag type.
me: ah oo eh hehe kailangan lang para May maipakain sa mga kapatid ko. okay naman ako dito. eh ikaw ba dyan? alam mo namimi-" napahinto ako ng marealize kong sumali na ang kaharotan ko sa chat.
"hala ang talande." wika ko sa isip ko at binura ang salitang namimiss. sinend kona ito sakanya ngunit offline na ito ng 30minutes ago kaya pinatay ko Mona ang cellphone at nilapag ito sa tabi ko. muli nanaman ako napangiti dahil sa iniisip kong hinahanap ako ni coach Mico kapag hindi nya ako nakikita.. sa sobrang saya ko hindi ko namalayan na pumasok na pala si Josefa sa kwarto ko, nagulat nalang ako ng bigla itong tumabi sakin at tinitigan ako na May halong pagtataka at pag aalala.
"oh my god? nasobrahan Kana ba sa stress Shai at nabaliw Kana?" seryuso nitong wika na halatang nag aalala ng sobra.
"tyee hindi ako mababaliw sa stress sa in-love ako mababaliw" ngiti kong sagot dito.nawalan naman pag aalala sa muka nya at napalitan ng mataray na muka.
"ano nanaman ba yan? ano in-love ka kay sir Miggy?" tanong nito sakin.
"luh tanga kaba? hindi ako magkakagusto sa mukong nayon. ano tingin mo sakin mag papaapi habang buhay? tyaka loyal ako kay Mico no"
"wag ka ngang feelingera, tyaka wag ka mag salita ng tapos baka mamaya magulat nalang patay na patay Kana kay sir Miggy kung totoosin ang gwapo nya dzai, artistahin na artistahin ang mga muka nila" wika nito na May halong pagka mangha.
"eh ikaw naman yata ang in-love sakanya eh! salitaan mo palang "
"ano kaba hindi sya ang gusto ko no May iba akong nagugustohan mas gwapo pa sakanya" taas kilay nitong sabi.
"ay oo nga muntik kona makalimutan mamayang mga 10pm baba daw tayo dahil kakausapin tayo ni manang Fe."
"bakit ? tungkol saan nanaman kaya yan? alam mo sa tuwing pinapa tawag tayo ni manang Fe kinakabahan ako feeling ko kasi May nagawa tayong hindi maganda kaya pinapatawag tayo."
"sakin hindi ako kinakabahan, kinakabahan lang ako kasi haharap nanaman tayo sakanya medyo May pagka masungit kasi sya mag salita kung minsan kaya minsan naiisip ko galit sya." wika ni Josefa.
mag sasalita pa sana ako ng biglang mag bukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Ashley.
"bumaba na daw kayo ngayon sabi ni manang Fe, ngayon na daw nya kayo kakausapin." saad nito.
"ah sige" sagot ko at sabay na kami ni Josefa bumangon at nag lakad palabas ng kwarto, nauna na samin si Ashley.
pagdating sa kusina ay nakita namin si masang Fe na nakaupoh sa harap ng lamesa . sa harap nito ay May dalawang bag at tag dalawang Paris ng uniform na pang babae.
"umopo kayo dito " wika ni manang Fe at tinuro ang dalawang upoan sa harap ng lamesa.
"aware na kayo na papasok kayo sa school nila Timmy. kaya Naka ready na ang mga uniforme at mga pangangailangan nyo sa school."
"Ho? t-teka biglaan naman po akala ko po bibigyan pa kami ni ma'am Janine ng ilang araw para makapag isip isip?" tanong ko dito.
"hindi nyona kailangan pag isipan payon dahil trabaho nyo yun, part yun ng trabaho nyo kaya dapat tanggapin nyo. opportunity nyo na din to para makapag tapos ng pag aaral. oh ito kunin nyo bukas na bukas papasok na kayo sa school nila Timmy" nanlaki ang mga mata namin ni Josefa sa sinabi ni manang Fe.
"ano daw? nabingi lang ba ako? ano bukas agad?" tanong ko sa isip.
"h-ha? bukas na agad? pero hindi pa po namin naasikaso ang mga kailangan namin para sa pag aaral" wika ko dito.
"hindi nyona kailangan pag abalahan payon dahil kahapon pa pina asikaso ni madam ang mga kakailanganin nyo. ang gagawin nyo lang pumasok mag aral at bantayan ang mga señorito sa mga ginagawa nila, kapag alam nyong May ginagawa silang hindi maganda diretso report nyo yun sa mommy nila, dahil first of all hindi basta basta naniniwala si ma'am Janine nyo sa mga sumbong sumbong ng kung sino sino lang, kaya kayo ang mag sisilbing taga pag balita sakanya ng mga kalokohan dahil kayo lang paniniwalaan nya nag kakaintindihan ba tayo?"