NYELA'S POV: -- DALAWANG buwan na ang lumipas mula nang ikasal kami ni Luca at pareho kaming naging abala sa sarili naming buhay. Ako, bilang secret agent at si Luca bilang estudyante. Madalang na lang kaming magkita sa loob ng bahay at halos hindi ko na siya makausap ng matino sa hindi ko malamang dahilan. "A tea for your health, young Miss," Naiangat ko ang aking paningin at bumungad sa akin si Galen na kakalapag pa lamang ng tasa sa mesa na siyang ginagamit ko. Kasalukuyan akong nasa kwarto na siyang nabungaran ko noong unang tapak ko sa bahay ni Luca. "Uuwi po ba si Luca mamaya?" usisa ko kay Galen bago kinuha ang tasa ng tsaa na binigay niya sa akin at uminom doon. "Master Luca didn't tell his schedule today. I think he's busy for some matters." Tinanguhan ko na lamang si Galen

