NYELA'S POV: -- HAMPAS ng malumanay na alon ang siyang nakapagpagising sa akin kaya naman marahan kong iminulat ang aking mga mata at isang hindi pamilyar na kwarto ang siyang sumalubong sa akin. Pumasok ang hangin sa loob ng nakabukas na terasa mula sa kwarto kaya naman amoy na amoy ko ang dagat. Bumangon ako mula sa kama at sumandal sa head board at muling ipinikit ang aking mata para alalahanin kung paano akong napunta sa lugar na ito. Nang maimulat kong muli ang aking mga mata, doon pumasok sa alaala ko na hinahabol nga pala ako ng tauhan ni Tiny Beast at nakita ako ni Luca at isinakay niya ako sa kanyang kotse at may nangyari sa aming dalawa. Tuluyan na akong bumangon sa kama at saka dumiretso sa banyo para mag-linis ng katawan. Naligo na lang ako at hahanapin ko si Luca dahil gu

