NYELA'S POV: -- TAHIMIK na binaybay ko ang ang daan pabalik sa beach house kung saan naroon ang pamilya ko. Natanaw ko pang nagluluto ng barbecue si Mommy habang si Field at Drift ay naghahabulan sa dagat kaya naman patakbo akong lumapit sa gawi nila. "Good morning, Mom." Niyakap ko si Mommy at binigyan ng halik sa kanyang pisngi. "Nyela!" Tumakbo si Field at Drift palapit sa akin at hindi nagdalawang-isip na yakapin ako kahit na basa silang dalawa. "Wow ha? Feeling close kayo?" pang-aasar ko sa kambal. "Hmp! Di ka namin bati!" "Panget, Nyela," Napahalakhak ako sa sinabi ni Drift bago nito hilahin si Field pabalik sa dagat. "Na saan ang asawa mo, anak?" Inabutan ko ni Mommy ng plato na merong lamang barbecue, kanin at gulay. "Nasa kwarto niya ho, mukhang pagod sa byahe." "Hin

