NYELA'S POV: -- "Pati ba naman ikaw pipilitin akong mag-aral? Sa edad kong ito, sa tingin mo may tatanggap na school sa akin?" "Let's not talk about that here. I'll go there." Bago pa man ako makapagsalita, si Frost na mismo ang pumutol ng komunikasyon ko mula sa kanyang computer. Naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha at ipinikit ang mga mata ko. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng kwarto ko nang hindi naririnig ang yabag ng taong 'yon matapos niyang isara ang pinto at lumapit sa kama ko. Lumundo ang kama nang maupo ito sa tabi ko. "Now tell me, what's bothering you?" Marahan kong iminulat ang mga mata ko at isang gwapong nilalang ang tumambad sa akin. Felix Ollie Stanford, my guy bestfriend. Ang nag-iisa kong kaibigan na nagtya-tyaga sa magulo kong pagkata

