NYELA'S POV: -- "KAILAN mo balak pumunta ng botique para matignan natin ang wedding gown na gusto mo?" Umangat ang isang kilay ko at natigil sa ere ang kamay kong may hawak ng tasa ng kape at napatingin ako kay Mommy. Kasalukuyan kaming nagbi-breakfast na mag-anak sa garden ng bahay at sa ikalawang pagkakataon, tungkol na naman sa kasal ko ang pinag-uusapan namin. Umayos ako ng upo at isinandal ang katawan ko sa silya na gawa sa bakal at pinagkrus ang mga hita ko habang ang isa kong braso ay nakayakap sa aking tyan at doon ipinatong ang siko ng isa ko pang kamay na may hawak na kape at sumimsim doon. "Kailangan ba talaga 'yon, Mom? Hindi ba pwedeng pambahay na lang?" Lahat sila ay napatingin na parang sinasabi nila kung nagbibiro ba ako o hindi. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang

