Nakarating na sila’t lahat sa condo ni Xavier ay hindi pa rin magawang kalimutan ni Amara ang tungkol kay Mary at kay Angelica. Una pa lang naman ay alam niya nang hindi sila okay ni Mary, ang hindi niya lamang maintindihan ay kung paano nitong nagawang tangapin ang utos ng isa. Dahil sa kanina pang pag iisip ni Amaral, hindi niya rin tuloy maiwasang huwg mainis kay Angelica. “Hey, are you okay? You’re so quite…” Nag aalalang tawag sa kanyang atensyon ni Xavier matapos nitong buksan ang pinto. “Yeah, okay lang naman… May iniisip lang…” She lied and then nodded. “You were thinking about Mary and Angelica are you?” “Well yeah, hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang huwag mag isip lalo at wala naman akong makitang dahioan kung bakit…. I mean Angelica knew that I was just your maid, r

