Pag pasok pa lamang sa loob ng inuupahan nilang suit ay bumungad agad sa kanila ang nag aalalang mukha ni Yel, ang tila inis na inis na si Angelica habang masamang naka titig sa kanya at ang nag aalala ring si Lance. “Salamat naman at nakarating na kayo, kanina pa kaming nag hihintay saan ba kayo galing?” Agad na tanong ni Raquel na patakbong lumapit sa kanya. Pasimple pang tinapunan ni Amara ng tingin ang ngayon ay seryoso at wala nanamang reaksyon niyang boss, tila wala itong pakealam na basta pumasok habang bitbit ang kanilang mga gamit saka agad na dumiretso sa ref. “Our car broke down in the middle of the road, I called for help and took hours before they get there.” Wala pa ring reaksyong pag sisinungaling ni Xavier habang hindi na nag abala pang tapunan ng tingin ang mga taong n

