Ilang minuto na ang ang naka lipas mula nang marinig ni Amara ang sinabi ni Raquel tungkol kina Xavier at Angelica ngunit pakiramdam ni Amara ay tila naririnig niya pa rin iyon sa kanyang sistema. Kung saan-saan na rin naka rating ang usapan nila ni Raquel, nalaman niyang ilang buwan pa lamang nang masali siya sa grupo nina Xavier, iyon ay noong maging sila ng boyfriend nitong si Shaun. Nalaman niya rin na matagal na palang magkakaibigan ang mga ito. mula high school at college ay sina Xavier at Angelica kasama ang iba pa na raw talaga ang magkakasama. “See? They have been friends ever since the world began, you definitely can’t compete to that, Amara!” Malakas ang tinig na kausap niya sa sarili habang matamang pinag mamasdan si Xavier na ngayon ay abala na rin sa pag aayos ng isa pang

